Tuesday, April 14, 2020

Enhanced Community Quarantine, Aalisin ng Pangulo kung Meron nang Antibodies


Manila, Philippines – Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes ng gabi na aalisin niya ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon pag lumabas na ang antibodies at ito’y magagamit na laban sa coronavirus (COVID-19).



“Mukhang ito sa basa ko…kung meron na ‘yan, tapos makita kong ginagamit ng ili-lift, ko, tutal kung magkasakit kayo may antibodies naman tayo mabili,” sabi ng Pangulo.

Ayon sa sinabi ng Pangulo, isang pharmaceutical company ang nakalikha ng antibodies at magagamit na umano ang medisinang ito sa lalong madaling panahon.



"Meron ng medisina, antibody ang isang giant pharmaceuticals. Tapos naghahabulan sila. Sabi by May baka they would start to market it, ipabili na nila.” – Sabi ng Pangulo.

Hihikayatin din ng Pangulo ang mga tao na magsuot ng face mask at panatilihin ang paghuhugas ng kanilang kamay ng tubig at sabon kung sakaling hindi ito kayang bilhin ng mga tao.

“‘pag nagsama lang tayo kaya natin ‘to kaunting panahon na lang. Alam ko igit na igit na kayo na makalabas,”  sabi pa ng Pangulo.

Inaprobahan naman ng Pangulo ang pagpapalawing ng enhanced community quarantine simula April 14 hanggang April 30 upang mapababa at mapahupa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.