Manila,
Philippines – Sumuko na ang mga opisyal ng barangay sa Caloocan City na suspek
sa pagsasabong noong biyernes santo kay Mayor Isko Moreno mismo. Naiulat na ang
mga ito ay nahuling nagsasabong sa Manila North Cemetery gayong ang buong Luzon
ay nahaharap sa enhanced community quarantine ng dahil banta na dala ng
COVID-19.
Kung
tutuusin, dapat ang mga opisyales ng barangay ang siyang namumuno sa
pagpapatupad ng batas at hindi dapat pinapahintulotan ang mga gawaing
makasasama sa kumyunidad nito. Dagdag pa, ginawa nila ang naturang mga gawain
sa loob pa mismo ng sementeryo.
Sa nakaraang
ulat, una nang sumuko noong alas-sais ng gabi ng sabado ang tagapangasiwa ng
ilegal na sabong na kilala bilang si “Kabron”. Inamin naman ni Kabron na isa
siya sa mga nagpasimuno ng tupada.
Apat naman
sa mga nagsasabong ay mga opisyal pa mismo ng Barangay 129 sa Caloocan na
natukoy naman ng gobyernong lokal ng Maynila na kabilang naman ang mismong
chairman nito.
Ang mga
nabanggit na opisyales ng barangay ay sumuko na at nakumbinsi naman ito ni
Mayor Oca Malapitan na alkalde ng Caloocan.
Nitong Sabado
ng gabi naiulat na sumuko kay Moreno ang tatlong (3) opisyal ng barangay.
Kinasuhan
naman ang mga suspek na sina Brgy. Chairman Brix Reyes at tatlo pa niyang Brgy.
Kagawad. Bukod dito, kasama rin sa nakasohan ang dalawa pang naaresto dahil sa
tupada at paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act dahil hindi umano sila
sumonod sa social distancing.
Hindi pa
kasama sa kasong administratibo ang isinampa sa mga nasabing opisyales ng
barangay.