Manila,
Philippines – Nitong nakaraan lamang, pinaghahanap ni Mayor Isko Moreno ang mga
barangay captains na lumabag sa protocol ng ECQ sa pamamagitan ng pagsasagawa
ng ilegal na sabong. Naiulat namang may mga sumuko na sa alkade matapos bigyan
ng 48 oras para sumuko ang mga opisyales ng barangay.
Kaya sa susunod, kung gusto nilang hindi maging ULAM ang kanilang mga alaga, dapat sumunod sila sa batas.
Suhestyon naman ni Mayor Gatchalian na wag na subukan.
Ang mga
suspek ay nasa kustodiya na ng Manila Police District (MPD) na sina Chairman
Brix John Rolly Reyes at ang mga kagawad na sina Alfie Lacson, Romualdo Reyes,
at John Cris Domingo.
Dagdag pa sa
ulat, nakaharap sa patong patong na kaso ang mga barangay officials sa paglabag
nito sa Presidential 1602 (Illegal Cockfighting), Republic 11469 (Bayanihan to
Heal as One Act), at Republic Act 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Disease
and Health Event of Public Health Concern Act).
Bukod pa
dito, makakasuhan din ang mga suspek ng Resistance and Disobediencce to a
Person in Authority or the Agent of such Person sa gitna ng Proclamation No.
992 s. 2020 (Declaring the State of Public Health Emergency throughout the Philippines).
Samantala,
sa nasasakupan naman ni City Mayor Rex Gatchalian ng lungsod ng Valenzuela, may
nahuli na naman nitong Linggo rin ng umaga na nagsasagawa ng ilegal na sabong.
At ito ang
ginawa sa mga manok nilang panabong:
Dinala naman
agad ang mga suspek sa police station. Kung ating tatanongin ang nangyari sa
mga manok panabong? Ginawang ULAM.
Habang
ginagawa na ang paghahanda ng karne, tinanong nya ang mga followers kung ano
ang gusto nila. Kung adobo ba o tinola?
Nagbigay pa
ng update si Mayor kung anong luto na ang nagawa.
Nagbigay
naman ng babala ang alkalde sa mga gusto pang magtupada na gagawing adobo ang kanilang
mga manok bukod sa mahuhuli sila.
Kaya sa susunod, kung gusto nilang hindi maging ULAM ang kanilang mga alaga, dapat sumunod sila sa batas.
Suhestyon naman ni Mayor Gatchalian na wag na subukan.