Manila,
Philippines – Sinabi ni Senator Bong Go nitong Linggo ng Pagkabuhay na mayroon
siyang extra body bags para sa mga nangangailangan nito, kahit na para sa mga
drug addict at nagkakalat ng fake news.
Ito ang
naging pahayag ni Go bilang sagot sa tanong ng media tungkol sa hiling ng East
Avenue Medical Center (EAMC) sa kanyang upisina upang makakuha ng cadaver bags
para sa mga nasawing pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
NitongSabado lamang, ang journalist na si Arnold Clavio ay nag post sa kanyang
Instagram account ng isang liham ng chief resident ng EAMC’s Department of
Pathology and Laboratories na si Dr. Nerissa Crystal Songcuan sa opisina ni Senator Bong Go upang humingi
ng tulong na magkaroon ng 50 cadaver bags.
Nakasaad pa
sa sulat ng doktor na nahaharap umano sila sa hindi inaasahang pagtaas ng mga
bilang ng nasawing pasyente dahil sa COVID-19 crisis.
Samantala,
sinabi naman ni Go, bilang mensahe sa mga reporters, na ipinasa na niya ang
sulat sa mga maaring makatulong sa hiling ng EAMC.
"Nakatanggap
ako [ng] sulat kahapon. Nirefer ko lang sa gusto tumulong, ginawan ng paraan,
nabigyan [ng] body bag," sabi ni Go.
"Tulong
lang tayo, kung ano man hingin na tulong basta kaya lang," dagdag pa niya.
Pagkatapos,
sinabi rin niya na mayroon siyang extra bags ngunit hindi para sa mga nasawi sa
COVID-19.
"Sino
kelangan pa extra? Para sa drug addict or nagpapakalat [ng] fake news, meron pa
ako," sabi ng Senator.