Bukod sa
isang tanyag na aktor, may prinsipyong pinaninindigan ang aktor na si Robin
Padilla. Isa na dito ang paniniwala
nitong ang mga turo ng relihiyon ang siyang magbubuklod at magliligtas sa mga
Pilipino sa COVID-19 pandemic.
Nagbahagi
rin ang aktor ng isang magandang minsahe para sa pasko ng pagkabuhay sa kanyang
Instagram para sa lahat ng kaibigan niyang katoliko at kristyano sa buong
mundo.
“Bismillah –
ito na ang huling araw ng Holy week ng ating mga kapatid na kristiano at
katoliko ang pagdiriwang nila sa araw na ito ay malapit sa kanilang pasko.
“Hindi man
tayo makasali sa kainan at kasiyahan dahil sa lockdown ay ipagdasal natin ang
bawat isa sa paraan ng ating pananampalataya.”
“Tanging ang
pagkakaisa at pagsunod sa mga katuruan ng ating ang mga religion ang magsasagip
sa atin sa covid 19. Ito ang panahon para ikapit natin ang mga katuruan ni
cristo jesus (pbuh) at propeta muhamad (saw),” ayon pa sa mensahe ni Robin.
Nagpahayag
naman ng pagkadismaya ang aktor sa katigasan ng ulo ng mga Pilipinong labas pa
rin nang labas sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine.
Gayon pa
man, nabanggit rin ng action star ang mga construction workers na tumatawid pa
sa dagat na galing ng Bicol at Mindanao na naipit sa lockdown at hindi na
nakabalik sa kani-kanilang mga pamilya. Ang hindi pa magandang balita tungkol
dito ay isang beses lang umano sila dinalhan ng suporta galing sa mga amo nila.
Dahil dito, humingi na lang ng tulong ang mga manggagawa sa barangay.
“Mabuti
kilala ni phet at napuntahan kahit man lang pantawid gutom nila ay maibsan ang
napakahirap na sitwasyon ng mga manggagawang ito,” Sabi ng aktor.
Sabi naman
ng aktor sa mga matitigas ang ulo - “Pakiusap sa mga matitigas ang ulo na
pakalat kalat pa sa kalsada sanhi ng paglaki ng numero ng mga infected at
namamatay kaya tuloy humahaba ang lockdown COOKING INA NYO!”
“Manahimik
muna kayo sa mga bahay ninyo at may mga padre de pamilya na nagdurusa sa pag
iisip sa kanilang pamilya. yun may mga natanggap na ayuda sa gobyerno wag na
kayong magreklamo.” Dagdag pa ng aktor.
“Pagkasyahin
niyo na yan dahil may mga mahihirap din na katulad ninyo na wala pang natatanggap
na kahit ano at sa mga amo na nag patay malisya na lang sa mga trabahador nila
habang silay nasa mga aircon at masarap pa rin ang pagkain at pa relax relax
TANGING INA NYO! @elgab18 @sapbonggo,” eto ang naging mensahe ni Robin na
marami namang fans at followers ang sumang-ayon.