Manila,
Philippines – Nagpahayag si Health Secretary si Fracisco Duque na hindi umano
naguutos ang departamento sa kahit na anong hospital na itago ang mga bilang ng
nasawi sa COVID-19. Ito ang kanyang nilinaw bilang responde sa nag viral na
post ng beteranong journalist Arnold Clavio na ngayon ay kumakalat na sa social
media.
“The DOH did
NOT and will NEVER issue a directive for hospitals to conceal the number of
COVID-19 deaths. Mr. Clavio disclosed to me the hospital allegedly involved in
this issue and we will investigate IMMEDIATELY,” ito ang sinabi ni Duque sa
post nya sa social media kung saan nakabanggit naman ang journalist.
Ayon sa post
ni Clavio sa Instagram, tinatago umano ng isang hindi pinangalanang ospital sa
Metro Manila ang mga bilang ng mga nasawing pasyente dahil sa COVID-19 dahil sa utos.
“Sa isang
ospital sa Metro Manila, may utos na huwag nang magbilang ng namamatay dahil sa
COVID-19. Ayon sa isang frontliner, nakakatakot ang situwasyon dahil nagkalat
sa hallway ng ospital ang mga bangkay,” nakasaad sa post ni Clavio.
Dagdag pa sa
post ng journalist- “Sa loob ng isang
araw, 10 ang namamatay.”
“Ano ang
totoong situwasyon sa Pilipinas? Bakit kailangan na hindi na i-census o
bilangin ang mga namatay sa COVID-19?”
Samantala,
umapela naman ang Health department sa mga Pilipino na kumpirmahin muna at
alamin ang katotohanan sa opisyal na channel ng DOH at mga legal na pinagmulan
ng impormasyon.
“All
hospitals and health centers are mandated to report on consultations and/or
admissions and the status thereof that fit the COVID-19 case definitions...We
are committed to providing the public with verified, evidence-based
information,” sinabi ng DOH nitong Sabado ng hapon sa kanilang pahayag.
Sa
karagdagang ulat, hinihikayat ang publiko na magsumbong sa hotline ng Health
Department – 24/7 COVID-19 hotlines (02) 894 at 1555, kung may alam sa parehas
na insidente.