Manila,
Philippines – Makakatanggap pa rin ng tulong sa buwan ng Mayo ang mga
benepisaryo ng SAP na nabigyan na sa unang pagbabahagi nito, pahayag ng
Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Lunes.
“Sa ngayon,
batay sa umiiral na panuntunan kung sino ang mga makakatanggap, kung sino ang
nakatanggap noong first tranche ay sila din ang mga benepisyaryo para sa buwan
ng Mayo,” sabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa isang online briefing.
Inilaan ng
gobyerno ang pondo na halos P200 billion para sa dalawang buwan na ayudang
salapi upang ipamahagi sa 18 million low-income households.
Ang mga
benepisaryo nito ay makakatanggap ng nasa P5,000 hanggang P8,000 sa kada
household, depende sa minimum wage rate ng bawat rehiyon.
“Dalawang
buwan ipapatupad ang SAP. Kaya lamang, ang pamamahagi ng social amelioration
cash subsidy sa Mayo ay depende sa bilis ng ating mga lokal na pamahalaan na
magliquidate ng unang tranche,” sabi ni Bautista.
Dagdag pa ni
Bautista, magiging basehan nila ang mga nasabing hakbang ni Pangulong Rodrigo
Duterte hingil sa kwarantenas.
“Ito ang
magiging basehan namin sa paggawa ng guidelines para sa implementasyon ng SAP
for the second tranche. Kailangan kasi namin ng approval ng IATF (Interagency
Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) dahil doon
maga-anchor yung guidelines na gagawin namin,” paliwanag ni Bautista.
“Sinisiguro
namin ang guidelines na ito ay aligned at consistent sa isinasaad ng Republic
Act 11469 (Bayanihan to Heal as One Act),” dagdag pa niya.