Saturday, April 25, 2020

Pinay Care-Giver na nagpost sa Social Media ng Kabastosan laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, Kakasohan na, Ipapadeport pa



Isang Filipina caregiver sa Taiwan ang naiulat na pauuwiin sa Pilipinas dahil sa kaniyang mga posts sa social media na ayon sa DOLE, ito ay malisyoso at hindi magandang posts laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang caregiver ay kinilalang si Elanel Egot Ordidor, na nagtratrabaho sa Yunlin Country, Taiwan, ni Labor Attaché Fidel V. Macauyag.

Binisita na umano nina Macauyag si Ordidor noong April 20 sa Yunin Country at pinaliwanagan tungkol sa kanyang mga nai-post sa Facebook.

Nangako naman si Oridor na kanyang tatanggalin ang mga videos na nai-upload nito laban sa Pangulo matapos itong masabihan na posible siyang makasuhan sa Taiwan at pati na rin sa Pilipinas.

Bukod dito, nangako rin ang Filipina caregiver na mag-uupload siya ng video ng kanyang paghihingi ng paumanhin sa publiko kay Pangulong Duterte at sa mga tao sa gobyerno.

Gayon pa man, ilang oras matapos ang pagbisita, ilang posts ang nakita sa Facebook page ng POLO Taichung galing sa ilang pekeng accounts na ayon kay Macauyag ay pagmamay-ari ni Ordidor.

“It has come to our knowledge that Ms. Ordidor is using several social media accounts, among which are Lenale Elanel Egot, Mha Lan Dee, Linn Silawan and Hampas Lupa and has a group organized to discredit and malign the President and destabilize the government” ayon sa press statement ni Macauyag.

“Due to her acts, POLO coordinated with her broker and employer on her deportation on the basis of the gravity of Ordidor’s offense under Philippine Law. The sharing and posting of such videos are punishable under Cyber libel under Republic Act No. 10175.” Dagdag pa sa press statement.

Eto ang larawan ng kabuoan ng Press Statement ni Macauyag.