Monday, April 20, 2020

Martial Law, hindi solusyon sa gutom ng taong bayan – Pangilinan





Manila, Philippines – Sinabi ni Senator Kiko Pangilinan ngayong Lunes lamang na hindi martial law ang solusyon kundi ang mabilis na pagbibigay ng ayuda para sa mga Pilipinong mabababa ang kinikita.

Nagbigay ng komento si Pangilinan matapos kumpirmahin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakatala sa Philippine Air Force (PAF) na kung saan nakalarawan dito ang “martial law-type role” para sa mga myembro ng Militar at kapulisan na nagpapatupad ng quarantine.



Ang nasabing talaan ay base sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na uutusan nya ang military at kapulisan na ipatupad ang patakaran ng ECQ at kung hindi madisiplina ang mga tao.

"'Parang martial' law na rin. Mamili kayo. Ayaw ko, pero pagka naipit na yung bayan at walang disiplina kayo," ito ang sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati noong April 16.

Ayon naman kay Pangilinan, marami ang lumalabag sa quarantine protocol dahil hindi pa umano nakaktanggap ang mga tao ng ayuda galing sa gobyerno.

“Hindi martial law ang sagot sa gutom ng taongbayan—delivery of the cash assistance ang solusyon (Martial law is not the answer to public’s hunger, delivery of the cash assistance is the solution),” ito ang naging pahayag ni Pangilinan sa isang panayam ng CNN Philippines.

Dagdag pa ni Pangilinan, 25% lang ng 18 millin na benepisaryo ng SAP ang nakatanggap ng tulong.


“So you have 75 percent of your people not being able to cope with loss of jobs, who are not earning anything today, who are going hungry and they would have to go out to figure out how to address the hunger,” aniya ni Pangilinan.

“Between a martial law-type of crackdown and fast tracking the assistance, I think the right direction is to fasttrack the assistance and make sure the cash assistance and relief goods reach those in lockdown,” dagdag pa niya.



“Ako, pagkakatiwalaan ko ‘yung local governments. Let’s trust the local governments. Sila ang mananagot sa kanilang mga botante e. Bigyan natin ng mas malawak na suporta ang ating mga pamahalaang lokal,” sabi pa ni Pangilinan.

“Kung mayroong corruption issues, bantayan. Kung mayroong mga hindi nakakatanggap, i-report. Pero ibigay yunga pondo, i-release yung pondo”. Sabi pa niya.

Kumakailan lang, pinag-utos ng DILG ang mga barangay chairmen na isapubliko ang mga pangalan ng mga benepisaryo ng SAP upang maipakita na may transparency sa pag proseso ng pagbibigay nang salapi sa mga nangangailangan.