Thursday, April 16, 2020

Pinagutos ni Pangulong Duterte ang kapulisan at militar na maging handa kung ang Publiko ay hindi nagpapakita ng Disiplina





Manila, Philippines – Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes ng gabi (April 16) ang mga military at kapulisan na maging handa na ipatupad ang social distancing at curfew sa bid ng bansa na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 kung ang publiko ay magpapatuloy sa kawalan ng DISIPLINA sa pagsunod sa mga panuntunan ng enhanced community quarantine (ECQ).

"I’m just asking for your disiplina. Kasi pag ayaw ninyo, ayaw ninyong maniwala, mag-takeover ang military pati pulis. I am ordering them now to be ready. Ang pulis pati military ang mag-enforce sa social distancing at yung curfew. Sila na," sabi ng Pangulo.

"Parang martial law na rin. Mamili kayo. Ayaw ko, pero pagka naipit na yung bayan at walang disiplina kayo," dagdag pa ng Pangulo.