Manila,
Philippines – Nabanggit ni Pangulong Rodirigo Duterte ang mga kritiko ng
kanyang administrasyon lalong lalo na ang responde nito sa COVID-19.
Sa kanyang
talumpati sa isang televised briefing nito lamang Huwebes ng gabi, direkta
nyang tinanong ang kanyang mga kritiko kung ano ang naitulong nila para sa
bansa.
"Kapag
sinabi ninyo ako wala, okay wala. Eh kayo? What have you done for the country
except to talk and criticize and talk? Tapos pagdating ng panahon na
magkamatayan ito lahat, bagsakan na, then you look to government for
succor." Sabi ng Pangulo.
Sabi pa ng
Pangulo, papangalanan nya ang mga kritiko na laging hinahanapan ng pagkakamali
ang kanyang administrasyon. Dagdag pa dito, ang mga nasabing personalidad ay
namomolitika at may plano para sa 2022 elections.
"Sa
panahon nila puro corruption at nagmamakalinis. Huwag ho kayong makinig diyan.
Dito kayo makinig sa gobyerno tutal ako ang nagdadala," sabi pa ng
Pangulo.
Pinaalalahanan
naman ng Pangulo ang kritiko na merong tamang oras para sa pagki-kritiko.
"Iyan
ang iwasan ninyo. Iyan ‘yung naglalaro ng politika. At for so many years, ilang
taon na sila nandiyan. Puro posturing, porma. Pa-porma, pa-chuy, pa-pretty boy.
Marami ‘yan. So may mga babae riyan na yakyak nang yakyak, wala naman
ginagawa," dagdag pa ng Pangulo.
Samantala,
umalma naman si Antonio Trillianes III sa sinabi ng Pangulo. Nagtanong ang
dating senador kung bakit naghahanap ng kuntribusyon sa mga Pilipino ang
administrasyon samantalang mayroon P4.1 trillion budget para sa 2020. May mga ilang tweets naman na itinago ng author.