Friday, April 17, 2020

Duterte to trap us with a false choice between safety and democracy - De Lima



Manila, Philippines – Ayon kay senadora Leila De Lima, pinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang motibong authoritarian nang ito ay nagbabala ng posibleng pag takeover ng military at kapulisan sa pagpapatupad ng quarantine sa gitna ng sitwasyon ng coronavirus (COVID-19).



"Typical tyrant Duterte to trap us with a false choice between safety and democracy. In the face of this pandemic crisis, he was proven incompetent and has become more desperate in wielding his authoritarianism,” ito ang sinabi ni De Lima sa kanyang mensahe sa GMA News Online.

“Ikaw kaya ang papiliin, Duterte: step up or step aside?" dagdag pa ni De Lima.


Nitong Huwebes  lamanag, sinabi na ng Pangulo na uutusan nya ang mga pulis at military na ipatupad ang quarantine protocols kung patuloy na mawawalan ng disiplina ang publiko at paglabag ng mga ito sa curfew at social distancing.



"I’m just asking for your disiplina. Kasi pag ayaw ninyo, ayaw ninyong maniwala, mag-takeover ang military pati pulis. I am ordering them now to be ready. Ang pulis pati military ang mag-enforce sa social distancing at yung curfew. Sila na," sabi pa ng Pangulo.

"Parang martial law na rin. Mamili kayo. Ayaw ko, pero pagka naipit na yung bayan at walang disiplina kayo," dagdag pa ng Pangulo.

Ang enhanced community quarantine ay pinatupad ng national government sa buong Luzon nitong kalagitnaan ng Marso at napalawig hanggang April 30.

May mga lugar naman sa bansa na strikto ang pagpapatupad ng mga hakbang.

Nitong April 13 naman, naitala ng Philippine National Police na mayroon 108,088 na lumabag sa panukala ng striktong quarantine protocols sa gitna ng health emergency.