![]() |
Photo by:Bianoan Global Family |
Manila,
Philippines – Isang babae nan a-stranded sa Cavite ang personal na sinundo ng
isang opisyal ng pulis sa gitna ng enhanced community quarantine para makasama
ang kanyang ina na nasa kritikal ang kondisyon sa Bulacan dahil sa sakit nito.
Ayon sa ulat
ni Athena Imperial ng ’24 Oras’, kinilala ang pulis na si corporal Joel Santos
Marcelino mula sa Manila Police District Headquarters. Nakipagugnayan ang pulis
na ito kay PJ Rodriguez matapos magpost ng kanyang hinaing sa social media.
Ang babaeng
si PJ Rodriguez ay nagtratrabaho sa isang fast-food chain sa Dasmarinas, Cavite
at hindi na ito makalabas sa kanyang kinalalagyan dahil sa pagpapatupad ng mga
hakbang upang pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Agad namang
humingi si Rodriguez ng tulong sa Facebook nitong Miyerkules lamang matapos
malaman na ang ina nitong si Imelda ay wala nang malay sa Bulacan.
"Wala
na po akong ibang choice na naisip kundi i-post sa social media na kung
sinumang may puso na makakatulong sakin. Parang hinang-hina po talaga. Hindi po
siya nakakadilat, hindi na rin siya nakakapagsalita." Ibinahagi ni
Rodriguez.
Sa
kabutihang palad, ang post ni Rodriguez ay nag-viral at nabasa naman ito ni
Marcelino. Agad-agad namang rumesponde ang pulis at ibinigay ang kanyang numero
kung saan sya maaring matawagan.
Lingid sa
kaalaman ng nakararami, ang ina umano ng pulis ay nakikibaka rin sa sakit nito
sa puso kagaya ng sakit ng ina ni Rodriguez.
Nitong
Huwebes naman, personal na sinundo ni Marcelino si Rodriguez sa Cavite gamit
ang sarili nitong sasakyan at dinala ito sa Bulacan. Sa kasamaang palad, huli
na ang lahat nang makauwi ang babae.
Pumanaw na
ang kanyang ina.
Gayon pa
man, nagpapasalamat pa rin si Rodriguez sa tulong na natanggap na kahit na huli
na, nakita pa rin nito ang kanyang ina.