Saturday, April 18, 2020

PERA na, naging BATO pa. Dalawang Lalakeng pasok sa SAP, nahuling nagsabong. Ayuda, hindi na ibibigay | Manok panabong, kinatay at pinakain sa mga preso


Dalawang lalake ang makakatanggap ng pera mula sa Social Amelioration Program (SAP) na naantala dahil sa ginawa nitong pagsasabong sa gitna ng banta ng coronavirus disease (COVID-19. 



Habang nakalungsad pa ang enhanced community quarantine (ECQ), hindi pinahihintulutan ng gobyerno ang mga tao na makipa-salamuha sa iba pa lalong lalo na’t mahigpit na pinapatupad ang social distancing.

Ayon sa ulat ni Oscar Oida sa GMA News 24 Oras, apat na lalaki ang nahuling nagsasabong sa barangay Zapote 5 sa Bacoor noong Martes lamang (April 14). Dalawa sa apat na ito ay benepisaryo ng SAP na tulong na salapi mula sa gobyerno.



Ang apat na lalaking nahuli ay lumabag sa panukala ng ECQ pati na rin ang paggawa ng ilegal na sabong.

Aminado naman ang mga ito at dagdag pa dito, sinabi rin nila na tumaya sila ng halagang P1,200.

Dalawa dito ay nakapag-fill-up na ng form sa SAP na kung saan maaring makatanggap ng ayudang salapi ang mga mahihirap na mamamayan.

Ayon pa sa ulat, pahayag ni Police Leut. na hepe ng Bacoor Police, naghihintay na lang umano ang dalawang benipisaryo na kasama sa apat na nahuli na ipatawag ng kanilang barangay kung kelan kukunin ng mga ito ang nasabing ayuda ng gobyerno na nagkakahalaga ng P6,500.



Sa kasamaang  palad, ang pera na matatanggap sana ng dalawa ay naging bato pa.

Tulad nga ng sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nito lamang Huwebes ng gabi na kung mahuhuli ang sinomang benepisaryo na nagsasabong ay huwag na silang umasa pa sa ayudang salapi mula sa gobyerno.

Dagdag pa sa ulat, ang mga manok ng mga sabongerong nahuli ay kinatay at pinakain sa mga nakadetine sa presunto.