Saturday, April 18, 2020

"THEY CAN NO LONGER FOOL THE PEOPLE AS TO THEIR REAL EVIL INTENTIONS"- Arevalo sa mga NPA na gustong ipalawig ang ceasefire



Manila, Philipines – Pinagpatuloy na ng pwersa ng military ng gobyerno ang opensibang operasyon laban sa mga rebeldeng guerilla sa buong bansa. Ito ang pahayag ng military spokesman nitong Biyernes lamang sa kabila ng pagtatapos ng ceasefire sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng NPA.



Sinabi ni Marine Brigadier General Edgard Arevalo na ang army infantry units at special operations ay nagpatuloy na ng kanilang opesibang pagpapatrolya sa mga lugar na kung saan aktibong nagsasagawa ng operasyon ang mga rebeldeng NPA.

“The ceasefire lapsed automatically at 23:59 of 15 April 2020, unless the president and commander-in-chief announces a new period of ceasefire, the AFP’s offensive combat operations have resumed effective 0000 of 16 April 2020.” Sabi ni Arevalo sa kanyang pahayag.

Ang mga rebeldeng NPA ay nagdeklara ng unilateral ceasefire na ayon sa kanilang pinuno ay isa umanong responde sa UN secretary general nang sa gayon ay matigil ang putukan sa kabila ng pakikibaka ng buong mundo sa COVID-19.



Ngunit ayon kay Arevalo, hindi umano tumitigil sa pag-atake at panggugulo ang mga NPA sa gobyerno habang nakaangat naman ang isang buwang unilateral truce na diniklara ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa mga panahong yaon, ang mga sundalong Pilipino ay nakatuon sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng virus.

“We have listed down a total of 17 rebel violations during the period of their own ceasefire declaration. This record is no different from various other accounts of rebel ceasefire violations in the past that only confirms their recidivist behavior every time there is a truce.” Aniya ni Arevalo.



Samantala, naglabas naman ng pahayag ang mga komunista na ipagpalawig ang unilateral ceasefire hanggang sa kataposan ng buwan kung saan naipalawig ng gobyerno ang enhanced community quarantine hanggang April 30.

Subalit inilarawan ni Arevalo na isa na naman itong propaganda ng mga rebelde.

“They can no longer pull such a trickery. They can no longer fool the people as to their real evil intentions,” sabi ni Arevalo.

Dagdag pa aniya, hindi pa iniiwan ng communist movement ang kanilang political goal para pabagsakin ang gobyerno sa pamamagitan ng paglikha ng pagkasira nito. Ginagamit umano ang “CEASEFIRE”  upang makalikha ang mga ito ng uportonidad na samantalahin ang sitwasyon ng bansa.

Sabi pa ni Arevalo na habang nasa ilalim ng ceasefire ang dalawang panig ay patuloy pa rin ang pag-atake ng mga rebelde sa mga sundalo ng gobyerno na tumutulong sa lokal na gobyerno.

Bukod pa dito, nagagawa pa umanong magnakaw ng mga ito ng relief goods na para sa tao, at nanggugulo ang mga ito sa mga lederato ng komunidad upang hindi magawa ang kani-kanilang mga tungkolin.

Atyon pa kay Arevalo, ang layunin ng mga rebelde ay para siraan ang gobyerno at hikayatin ang mga tao na labagin ang batas ng community quarantine upang mabigo ang gobyerno sa laban nito sa COVID-19 pandemic.