Saturday, April 18, 2020

De Lima, Sumang-ayon sa mga kapwa senador na gustong patalsikin si Duque | Muling tinuligsa si Pangulong Rodrigo Duterte



Manila, Philippines – Sumangayon ang nakakulong na senadora na si Leila de Lima sa kanyang mga kasamahan sa senado na gustong bumaba sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque III.



"I agree with my Senate colleagues. 'Knowing fully well the danger posed by the COVID-19 pandemic in the beginning of the year,' this administration’s Health Secretary has 'failed to put in place the necessary precautionary measures to lessen, if not at all prevent, the impact of this health crisis,'” pahayag ni De Lima mula sa kanyang piitan sa Camp Crame.



Gayon pa man, sinisisi pa rin ni De Lima si Pangulong Rodrigo Duterte. Sabi nito na ang Pangulo ang pangunahing responsable sa pagkabigo ng pamumuno at pagpapabaya sa pagresponde ng gobyerno sa COVID-19.

“'The buck stops, here', goes the phrase popularized by former US President Harry Truman. The chain of accountability lies in the head of government," sabi ni De Lima.

Naiulat na nagutos ang Pangulong Duterte ng ‘ban’ sa mga bibisita sa bansa mula sa probinsya ng Hubei gayon din sa iba pang lugar sa China na nasalanta ng COVID-19 noong January 31.
Tinuligsa din ni De Lima ang administrasyon para sa responde nitong “dismal and catch-up” sa banta ng COVID-19.



Nitong Huwebes lamang, may ilang mga senador ang nagsampa ng resolusyon para sa resignation ni Duque dahil umano sa pagkaibigo nitong mamuno, kapabayaan, kakulangan sa pananaw, at hindi epektibong pagganap sa kanyang mandato sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Samantala, ayon sa Malacañang, si Duque ay mananatili sa kanyang posisyon.

Aniya ni Duque, magpapatuloy siya sa pagsisilbi sa bansa at nangakong sasagutin lahat ng aligasyon sa tamang panahon.

"We will answer these allegations in due time but right now we will continue to be in the trenches with our health care workers and frontliners,"  sabi ni Duque sa kanyang pahayag.

"I will continue to serve the country to the best of my abilities. Magtulungan po tayo," dagdag pa ni Duque.