Manila,
Philippines – Sa kabila ng pagtigil sa pagtanggap ng employers’ applications
para sa P5,000 salaping tulong sa mga apektadong manggagawa, mahigit 85,000
naman na benepisyaryo ang makakatanggap ng isang beses na financial assistance.
Ayon pa sa
DOLE, sarado na ang online application para sa COVID-19 Adjustment Measure
Program (CAMP) niton lamang alas singko (5) ng hapon ng April 15.
Sabi naman
ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay na ito ay para mabigyang daan ang
P51 – billion wage subsidy na pinagulong ng Department of Finance (DOF) para sa
mga middle-income workers.
Sabi pa ng
DOLE na mabibigyan ang 236,412 na manggagawa ng isang-beses na P5,000 bilang
tulong na salapi mula sa 10,663 na establisyemento.
“The labor
department has been swamped with volumes of requests that the available fund
for the program amounting to P1.6 billion is very close to being depleted,”
sabi pa ng DOLE.
Umapela naman
ang DOLE ng pangunawa sa mga employer at mga manggagawa na hindi pa
nakakatanggap ng nasabing tulong.
“The
requests simply ballooned beyond the capacity of DOLE’s resources. The
situation was aggravated by the extension of the Enhanced Community Quarantine
(ECQ) up to April 30,” sabi nito.
Nabangit din
ng departamento na nakikipagugnayan ito sa iba pang ahensya kasama ang kongreso
para sa mabilisang alternatibong programa para mapadali ang pagtulong sa mga
manggagawang hindi nakinabang sa CAMP.
“Our regional
operations had enormous challenges in attending to the 1.6 million CAMP
applications nationwide, but we are happy to extend assistance to those who had
received the cash aid,” sabi pa ng DOLE.
“DOLE is now
moving fast its recovery plan for workers and employers to cope up with the
‘new normal’ after the ECQ. We are preparing a menu of programs that will
complement national efforts to effectively address the needs of the people,”
dagdag pa nito.