Tuesday, April 21, 2020

ANAKPAWIS Party-List, Lumabag sa ECQ at Nag-balatkayong Mamimigay ng Relief Goods, Tiklo ng mga awtoridad | ANAKPAWIS, Tinuligsa ng DILG sa paglabag sa ECQ at pagiging "PASAWAY"



Manila, Philippines – Tinuligsa ng Department of the Interior and Local Government ang Leftist group na ANAKPAWIS dahil sa paglabag nito sa Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Nasabing ang ilan sa mga miyembro nito ay nilabag ang polisiya ng ‘stay at home’, nagsagawa ng hindi awtorisadong pagbyahe sa labas ng Metro Manila, at ang pagtanka nitong magbuo ng malaking pagpupulong sa Norzagaray, Bulacan sa pagbabalatkayong mamimigay ng relief goods.

“Breaking the Quarantine rules is breaking the law. 'Wag po tayong pasaway. You are only allowed to go out of residence to buy food, medicines or for medical emergencies. By doing this obvious propaganda stunt, Anakpawis has placed the lives of the people of Bulacan at risk. Wala pong pinipili ang COVID-19 (coronavirus disease 2019). Mayaman man o mahirap,” ito ang sinabi ni DILG Spokesperson and Undersecretary Jonathan E. Malaya.

Ayon pa kay Malaya, ang grupo ay nakakalusot sa ilang mga PNP checkpoints sa pamamagitan ng pagpapakita ng hindi awtorisadong food pass sa windshield ng kanilang jeep. Bukod pa dito, binabanggit din nila ang pangalan ng dating Anakpawis party-list congressman na si Ariel Casilao na sa makatuwid ay hindi na miyembro ng kongreso.

“Nag name-drop pa sila ng ex-partylist congressman pero buti na lang nasabat sila sa isang checkpoint sa Bigte, Norzagaray, Bulacan,” sabi ni Malaya.

“We wish to remind Anakpawis that the virus cannot spread by itself. It has no legs. It is people that spread the virus. You give us no choice but to file charges against you. Wala po tayong special treatment kahit may congressman kayo. Ang lahat ng pasaway, kakasuhan,” sabi ni Malaya.
Nakumpiska ang isang berdeng jeep ng Norzagaray PNP na may plate number na ZHN 869 na may anim na sakay.

Naaresto sina  Karl Mae San Juan ng Project 6, Quezon City; Marlon Lester Gueta ng Barangay 172, 1422, Caloocan City; Robero Medel ng Kamias, Quezon City; Eriberto Peña Jr. ng San Jose Del Monte City, Bulacan; Raymar Guaves ng Bahay Toro, Project 8, Quezon City; at Tobi Estrada ng Malingap St., Quezon City, sa paglabag sa quarantine.

“Kung tunay ngang relief operation ang kailangan gagawin, bakit 'di sila nakipag-ugnayan sa IATF (Inter-Agency Task Force), NTF (National Task Force) COVID or kahit man lang sana sa local government unit (LGU) ng Norzagaray, Bulacan? Maari naman silang payagan kung 'yon ang tunay nilang layunin,” sabi ni Malaya.

Dagdag pa aniya, nakita ang tunay na layunin ng grupo dahil sa dami ng propaganda materials.
“Kung tunay ngang relief operation ito, bakit sila magdadala ng napakaraming propaganda materials?,” sabi Malaya.

Ang mga nakumpiskang propaganda materials naman ay gagamiting ebidensya sa korte, samantalang ang mga relief goods ay naibigay na sa Brgy. Captain ng Bigte.

“Anakpawis will have their day in court. The DILG assures them of due process. Sa korte na sila magpaliwanag,”  sabi pa ni Malaya.

Samantala, nahaharap ang anim na nahuli sa kasong paglabag sa Bayanihan to Heal As One Act.