Manila,
Philippines – Pahayag ng Malacañang nitong Martes na magbibigay si Pangulong
Rodrigo Duterte ng P10 million bilang gantimpala sa kung sino man ang maka
diskubre ng vaccine laban sa coronavirus disease (COVID-19).
“Unang una,
dahil nga po public enemy po itong COVID-19 hindi lang dito sa Pilipinas kundi
sa buong mundo, inanunsyo po ng Pangulo na siya ay magbibigay ng pabuya na
hanggang P10 milyong piso sa kahit sinong Pilipino na makakadiskubre ng vaccine
laban sa COVID-19,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa online
press conference.
Bibigyan din
umano ng malaking pabuya ang Unibersidad
ng Pilipinas at ang UP Philippine General Hospital (PGH) upang matulongan itong
makagawa ng vaccine laban sa nasabing sakit. Hindi naman nabanggit ang halaga
ng nasabing pabuya.
“Pinapanunsyo
din po ng ating Presidente na siya ay magbibigay ng substantial grant sa UP at
sa UP PGH para po makadevelop nga ng bakuna para dito sa COVID-19,” sabi ni
Roque.
Nakiusap
naman ang PGH sa mga nakaligtas sa virus na mag-donate ng dugo para
mapag-aralan ang lunas dito.
Gayon din
naman ang paghikayat ng Pangulo na mag-donate ng dugo ang mga naka survive na sa COVID-19.