Tuesday, April 21, 2020

Distrito ng Manila, Malalagay sa 48-hour Lock Down

Photo by PNA


Manila, Philippines – Malalagay sa 48-oras na “hard lockdown” ang distrito ng Sampaloc Manila matapos maobserbahan ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa nasabing lugar, ayon sa sinabi ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso nitong Martes.

Pumirma si Mayor Isko ng executive order na isasara ang distrito ng Sampaloc mula 8 p.m ng Huwebes (April 23) hanggang 8 p.m ng Sabado (April 25).

Sabi pa ni Mayor Isko, striktong pinatitigil ng bahay ang mga residente at bawa itong lumabas ng mga kani-kanilang bahay sa panahon ng hard lockdown.

Dagdag pa aniya, sasailalim ang distrito sa rapid risk assessment, under surveillance, at testing operations.

“Health authorities will be conducting disease surveillance, testing and rapid risk assessment as the city’s response measures to the imminent danger posed by Covid-19,”  pahayag ng alkalde sa kanyang Facebook live nitong Martes.

Samantala, ang maari lamang na lumabas sa hard lockdown ay mga healthcare workers, kapulisan at mga military, mga gobernment employees, nagtratrabaho sa mga pharmacies, drug stores at death care services, barangay officials, at mga accredited media practitioners.

“All other commercial, industrial, retail, institutional and other activities not mentioned in above exemptions in the said district shall be suspended within the specified period of the shutdown,” ayon pa sa executive order.