![]() |
Photo By: DSWD XII Facebook |
Isang ginang
ang kusang loob na ibinalik ang kanyang pera na mula sa Social Amelioration
Program (SAP) sa kadahilanang magit itong kailangan ng iba niyang kabarangay.
Si Whendy
Pido, isang 28 taong gulang na ginang na naninirahan sa Magpet, North Cotabato
kasama ang kanyang asawa at isang anak, ay taos pusong tinanggihan ang P5K na
ayudang salapi galing sa SAP sa kadahilanang nakakuha na ang kanyang asawa ng
pera mula sa programa ng gobyerno.
Pahayag pa
niya na kung sakaling kunin nya ang pera ay dodoble ang makukuha nito sa gitna
nang napakaraming tao ang nangangailangan ng tulong na ito.
“Kusa ko
pong binabalik yung perang naibigay sa akin ng mga taga-barangay mula sa Social
Amelioration Progra sa dahilang nabigyan na ang aking asawa na nasa kabilang
barangay. Mas kailangan ito ng iba pang higit na nangangailangan dulot ng COVID-19
krisis sa aming barangay.” Sabi ni Pido.
"Hindi ko po
tinanggap dahil dodoble na an gaming matatanggap na ayuda at alam kop o na
maari kaming makulong hinggil dito.” Dagdag pa aniya.
Kahanga-hanga
ang pinamalas na pagkukusang ginawang ito ni Pido lalong lalo na sa panahon
ngayon.
Gayon pa
man, may kalakip na kaparusahan ang sinomang mananamantala sa pagkakataong
lumalaki pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ngunit, sa
makatuwid, iilan na lang talaga ang mga ganitong tao sa lipunan na iniisip din
ang kapakanan ng iba.