Manila,
Philippines – Ayon sa ulat ng military ngayong Miyerkules (April 22), dalawang
sundalo ang nasawi samantalang tatlo naman ang sugatan sa pag-atake ng
pinaniniwalaang mga NPA noong Martes (April 21) sa gitna ng lockdown sa bayan
ng Maria Aurora, Aurora province.
Ang mga
sunadalo ng 91st Infantry battalion ay nagsasaayos ng nasabing lugar para sa
mga manggagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na
mamimigay ng salapi sa mga benipisaryo ng SAP.
Ang
programang SAP ay parte ng pagresponde ng gobyerno bilang tulong sa
gitna ng paghihirap ng tao na dulot ng COVID-19.
Ayon sa ulat
ng Public Information Office ng 7th Infantry Division ng Army, nagpaputok ang
mga rebeldeng NPA sa mga sundalong patungo
sa nayon ng Diaat. Dahil dito, nasawi ang isang sundalo at ang isa naman ay
sugatan ngunit hindi pinalad sa ospital.
Tumagal ng
halos isang oras ang palitan ng putokan ng dalawang panig.
Tunuligsa
naman ng acting commanding officer ng 91st IB na si Lt. Col. Reandrew Rubio ang
mga rebeldeng NPA sa paghahatid ng karahasan sa isang komunidad na naghihirap
dahil sa COVID-19.
“I am very
proud of my soldiers, they are among our modern heroes,” – ayon kay Brig Gen.
Alfredo V. Rosario ng 7th ID commander.
“For their
acts, they will be forever remembered. Sooner or later, we will catch these
bandits and for sure they will pay for the crimes they have committed,” ayon
naman kay Rosario.