![]() |
Photo By: News5 |
Binigyan ng
cash bonus ang isang pizza delivery boy matapos nitong mag viral sa social
media. Nagbigay ng pera ang Araneta Group of Companies (AGC) sa lalaking
bumibili ng tinapay upang ipamahagi sa mga taong walang tirahan sa gitna ng
lockdown.
Ang pizza
delivery boy na nag-ngangalang si Raymond Papellero, taga Cebu, na nagtatrabaho
sa Pizza Hut ay nakatanggap ng P100,000 mula sa Phillipines Pizzza Inc. sa
isang simpleng seremonya na ginanap sa Araneta City noong April 17.
Parte ng AGC
sa bansa ang Philippine Pizza Inc, ang prangkisa ng Pizza Hut, Taco Bell, at
Dairy Queen.
"Mr.
Papellero's generosity is very much in line with the Araneta Group's commitment
to give back to the community, and this cash award is a sincere appreciation of
his benevolence," ito ang naging sinabi sa pahayag ni chief operating
officer ng Philippine Pizza Inc. Chacha Junio.
Umaasa naman
si Papellero na maka inspire sa ibang tao na ibahagi ang kanilang mga biyaya sa
mahihirap lalong lalo na sa mga oras ng kagipitan.
Pinuri naman
si Papellero ng mga netizens dahil sa ginawa nitong pagsakripisyo sa kanyang
mga kinikitang tip sa mga costumers na ibinabahagi nya sa mga taong
nakakasalubong nya sa kanyang pag deliver ng pizza.
Ibinahagi
naman ng may-ari ng bakery kung saan siya bumibilli ng tinapay ang kanyang
kabaitan at agad naman itong nag-viral.
"For as
long as I’m able to, I will keep on doing this every day," ito ang sabi ni
Papellero nang mangako siyang ipagpapatuloy ang pagbili at pagbibigay ng
tinapay sa mga taong nangangailangan.