Thursday, April 9, 2020

Pangulong Rodrigo Duterte, Hinikayat ang mga COVID-19 Survivors na mag Donate ng Kanilang Dugo



Manila, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Huwebes (April 9) ang mga survivors na mag-donate ng dugo bilang pasasalamat sa Diyos.

"Yung mga nakalabas na sa lahat, mag-mabuting loob kayo, and I think kung ako, I should volunteer. That is the way of thanking God that that you have survived," ito ang naging pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati pagkaraan ng hating gabi.



Ito rin ang naging panawagan ng Pangulo sa Philippine General Hospital (PGH) – ang pinakaunang ospital na susubok sa plasma transfurion.

Sa mga nauna nang ulat, ginamit na ang hakbang na ito sa lungsod ng Wuhan sa China para magamot ang mga pasyente na malala na ang karamdaman. Ang dugo naman ng mga survivors ay naglalaman ng antibodies na kung saan mainam itong panlaban sa virus.



"Magpakuha kayo kasi yun ang dugo ninyo, yung plasma ninyo, yung ang i-iinject sa tinamaan. So yung katawan mo makukuha niya 'yun," pahayag ng Pangulo.

Ayon pa kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang vaccine na ito ang solusyon sa virus.
Gayon pa man, hinikayat ng Pangulo ang publiko na magtulongan. Hindi pa magagamit ang nasabing vaccine.

"In the mean time, we help each other as one nation... you can keep criticizing pero alam ng taong bayan, alam ng Filipino, ano itong COVID at ano yung hakbang ng gobyerno," pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.