Manila,
Philippines – Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga may-ari ng mga
paupahang apartment na magpapaalis sa kanilang mga boarders dahil sa hindi ito
nakabayad ng kanilang renta. Isa ito sa epekto ng lockdown sa buong Luzon para
maiwasan ang dagliang pagkalat ng COVID-19.
Nakiusap
naman ang Pangulo na maghintay ng tamanag oras sa kadahilanang wala din naman
silang makokolektang pera.
“Kaya
maghintay kayo lessors, nagpaparenta, huwag ninyong madaliin kasi baka wala na
tayo o wala ka na makolekta. You are not even — you will not be even sure if
you’d still be around to collect the money. Kaya naghihingi ako. Huwag mong
pahirapan ang mga tao kasi ‘pag ang tao in-evict mo, walang korte. Hindi naman
ako nagpakamarunong pa sa mga judges or the judiciary — judicial department of
the government,” ito ang naging pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati nitong
Huwebes.
Kung
matatandaan, pinasuspinde na ng gobyerno ang pagbabayad ng buwanang upa dahil
sa pag talaga ng enhanced community quarantine Luzon-wide.
“Kung
magsabi ‘yang i-evict mo ‘yung tao ngayon sa bahay, sabihin ko talaga sa’yo,
“P***, huwag mong sundin ‘yan.” Kung ang… Ako, nagwa-warning lang ako. Eh
pilitin ninyo hindi makabayad ang pamilya tapos itapon ninyo, sarahan ninyo
‘yung bahay. Sabihin ko, ‘buksan ninyo ang bahay. Ipapasok mo ulit ‘yung
pamilya,'” dagdag ni Pangulong Duterte.
Nagpahayag na
ang gobyerno ang pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na aabot
hanggang April 30.
“Kung hindi
mo naman pala gustong tumulong ng kapwa tao mo, sunugin na lang natin ‘yang mga
apartments mo. Tutal may bumbero. Tawagin mo. Eh huwag ganun. Huwag ninyong
i-pressure,” ayon pa sa Pangulo.