Manila,
Philippines – nagduda si Senator Leila de Lima sa mga phayag ni Pangulong
Rodrigo Duterte nitong Huwebes (April 9) sa kanyang talumpati, na nauubosan na
umano ng pondo para sa publiko sa gitna ng coronavirus disease (COVID -19)
pandemic.
Ayon kay De
Lima, hindi pa umano ubos ang kaban ng gobyerno. Dapat umanong patunayan ng
Pangulo na ang mga natirang pondo sa 2019 at 2020 ay nagamit na bago pa
isa-alangalang ang pagbebenta ng pag-aari ng gobyerno.
Tanong naman
ni De Lima kung bakit nasambit ng Pangulo ang pagbebenta ng mga assets.
“Why is
Duterte hinting already of disposing of our assets? Exhausted na ba talaga ang
available funds (Are the available funds really exhausted), and those that can
be reprogrammed within government?” – Tanong ni De Lima.
“Wala pa
tayo sa puntong ‘yon. Dapat makumbinse tayo na wala na talagang pera ang
gobyerno (in the budgets of 2019 and 2020; funds held ng GOCCs and other
agencies, etc.) at mga special purpose funds (e.g. Malampaya, road users’ fund,
etc.) to begin contemplating the selling of our assets,” dagdag ni De Lima.
Ipinadala
kay De Lima ang kopya ng pahayag ni Pangulong Duterte ng taohan ng senadora sa
kanyang piitan sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame.
Kinwestyon
din ni De Lima kung nasaan ang intel funds.
“Saka nasaan
na nga ba ang napakalaking intel funds, baka naman pwedeng magamit din ito?
Saka kahit ibenta pa nila lahat ng assets ng gobyerno, kung ganito pa rin
kawalang liderato ang gobyerno, wala pa ring mangyayari down the line,” sabi ni
De Lima.
Samantala,
nitong nakaraan lamang, nagpahayag si Bayan Muna leaders Carlo Zarate at chair
Neri Colmenares kung ano ang maaring gawin ng gobyerno sa P275 billion pondo
bilang responde sa COVID-19. Iginiit ng dalawa na mayroong sapat na pondo para
sa gobyerno at ang kasalukuyang administrasyon umano ay mabagal sa paggamit ng
mga ito.
Ayon naman
sa update sa COVID -19, meron nang 4,706 na pasyente, 203 ang mga nasawi at 124
naman ang naitalang nakaligtas na.