MANILA, Philippines – Nagpahayag si
House Deputy Minority leader Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate nitong
Huwebes na ang mga lokal na gobyerno ang nasisisi imbis na sa administrasyon ni
Pangulong Rodrigo Duterte, ang mabagal na responde ng national government sa
pagresponde sa COVID-19 emergency.
"It seems that the Duterte
administration is unfairly placing the already overwhelmed local government
units to be blamed with the current slow and inadequate efforts to stop the
COVID-19 pandemic," ito ang pahayag
ni Zarate.
Aniya, ang national government ang
gumawa ng pagkakamali noong hindi ito gumawa ng hakbang sa naiulat na unang
kaso ng COVID-19 sa bansa.
“It is the national government that
blundered when it did not decisively act when the first cases of COVID
infection (were) detected in the Philippines in January,” ayon pa kay Zarate.
"They wasted a month in dilly
dallying and now it is the LGUs who are earning the ire of the populace due to
the slow or none delivery of relief goods and favoritism,” dagdag pa niya.
Nanawagan si Zarate sa national
government na pabilisin ang paghahatid ng tulong sa mga maralitang Pilipino.
Nakatanggap di umano sila ng mga ulat na may mga barangay sa Manila, Quezon
City, Mandaluyong, Rizal, Tacloban, Gen. Santos City at iba pang mga lugar sa
Mindanao, na hindi pa nakakatangap ng mga relief goods.
"The P8,000 cash aid should now
be distributed because with the absence of relief goods then at least they can
use this to buy food and other basic necessities," ayon kay Zarate.
"Mahigit P200 bilyon ang naipasa
sa Kongreso para labanan ang COVID-19, napakalaking pera nito at dapat ay
gamitin na agad para sa mamamayan at huwag ibulsa ng mga opisyal," dagdag pa niya.
Samantala sa panayam nitong Huwebes,
nagpahayag si Social Welfare Secretary Rolando Bautista na “ang nagpapatagal sa
pagbigay ng tulong pinansyal sa ilalim ng programa ng national government, ay
ang kakulangan ng LGU ng impormasyon sa kanilang mamamayan.
Pahayag pa ni Bautista na inaasahan
nila na may mga datos na ang LGU sa kanilang mga nasasakupan tulad ng pangalan,
trabaho at iba pang aktibidades ng mga tao.
"Siguro ang ine-expect po namin
noon na ang LGU ay they have the profile, the names, the work, and other
livelihood activities ng kanilang mga nasasakupan.” - Bautista.
"Dahil po hindi rin nila
masyadong kabisado o sabihin din nating may kakulangan sa mga listahan na 'yun,
dito na rin po nagkaroon ng problema," dagdag pa ni Bautista.
Ang ulat na ito ay nakuha sa GMA News
Online..