Friday, April 10, 2020

Tama ang Naging Desisyon ng Pilipinas na Ipatupad ang Lockdown sa Buong Luzon - WHO



Manila, Philippines – Nagpahayag ang World Health Organization (WHO) na tama ang naging desisyon ng bansang Pilipinas na ipatupad ang lockdown sa buong Luzon sa upang maiwasan ang pangmalakihang pagkalat ng coronavirus (COVID-19). Ito ay pinatupad ni Pangulong Rodrigo noong March 16.

Ayon naman kay WHO Western Pacific Regional Director Dr. Takeshi Kasai sa isang interview sa CNN Philippines, hindi umano sila nakakaranas ng tinatawag na large-scale community outbreak.

“Philippines, because of the lockdown, we are not experiencing so-called large-scale community outbreak," pahayag ni Kasai.



"What's really important is to try to stay in this stage as much as possible, and if possible, to suppress.” Dagdag pa niya.

Pahayag pa ni Kasai, importante umano ang partisipasyon ng mga tao pati na rin ang kalusugang pampubliko para gawin ang lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.



“Even it is lockdown, it’s important for everyone to stay home, protect yourselves, and your family," he said. "Second thing is even under the lockdown, infections might continue, so it’s very important to organize public health intervention such as tracing and identifying the contact."

Nang tanongin si Kasai kung mapapalawig pa ang lockdown pagkatapos nitong buwan, iminungkahi ng doktor na kinakailangan ng bagong aksyon na dapat ikonsidera upang mawala ng tuluyan ang coronavirus (COVID-19).



“It is important to be vigilant and make cautious, thorough decision. When you extend the lockdown, it’s not continuing the same level of interventions, there are some options to peel one by one.” Sabi ni Kasai.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang mass testing sa mga makatalagang pasyente.

Dagdag pa sa ulat, nagpahayag naman si COVID-19 National Task Force spokesperson Restituto Padilla nitong Miyerkules (April 8) na ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ay inaasahang magpo-proseso ng 100,000 na pagsusuri kada araw sa sususunod na tatlong buwan.