Friday, April 10, 2020

Kalahating Milyong Pamilya sa Maynila, Makakatanggap ng Bigas bilang Tulong para sa Pagpapalwawig ng ECQ - Isko Moreno





Manila, Philippines – Pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno nitong Huwebes na makakatanggap ng tulong na bigas ang mga pamilya sa lungsod na aabot 571,000.

Bumili ng halos 50,000 sako ng bigas na o 2.5 million kilo galing sa National Food Authority (NFA) noong Marso dahil na rin sa inaasahang pagpapalawig ng lockdown na dumagdag hanggang April 30.



Ayon sa ulat, 571,000 na pamilya ang makakakuha ng bigas at 3 kilos ang matatanggap ng bawat pamilya ayon kay Mayor Moreno.

Ang tulong na bigas na ito ay pandagdag sa mga food boxes na naipamahagi na sa Manila.
"May buffer pa kami, but it's better na sobra kung sosobra para maakap namin hangga' t maaari ang lahat," ayon pa kay Mayor Isko Moreno.



Sa pahayag naman ng City Hall ng Manila, merong 235,000 na pamilya ang nakatanggap ng mga food boxes galing sa oprasyon ng pagtulong na magpapatuloy naman kahit Biyernes Santo.

"We have additional plans, and we will implement if necessary. For the meantime, this is something na medyo ahead sa sitwasyon in terms of needs. It may not suffice the entire basic needs, but at the very least bigas is pinaka-importante sa ating mga kababayan," pahayag ni Isko.




Samantala, na –inspeksyon na ni Moreno ang quarantine facility na mayroon 116-bed para sa mga pasyente ng COVID-19 na itinayo sa loob ng Ninoy Aquino Stadium.

Dagdag pa ni Moreno, magsisimula na silang tumanggap ng pasyente pagkatapos ng mahal na araw.