Photo courtesy of Youtube |
Ang pagkakaroon ng Enhanced Community
Quarantine (ECQ), sari-saring opinyon ang nagsisilabasan sa mga labi ng mga tao
lalong lalo na ang mga netizens. Sabin g iba, malaki ang nawala sa kanila,
samantalang may nagsasabi ring napagbuklod ng ECQ ang mga kani-kanilang
pamilya.
Isa sa magandang bunga ng ECQ ang
pagkakaroon ng bonding ng isang mag-anak tulad na lang ni Jinkee Pacquiao na
asawa n gating pambansang kamao at senador Manny Pacquiao.
"Habang naka-quarantine, tinuruan namin
ang mga girls kung paano maglaba! Happy ako sa mga anak ko dahil masunurin sila
at gusto rin nilang matutunan ang paglalaba. Abangan nyo po sa youtube channel
ko ang video. 🥰😄 #stayhome #staysafe #Godisgood "– ito ang
naging caption ni Jinkee sa kanyang Instagram account.
Ang pamilya ni Fighting Senator Manny
ay nagsimula sa mahirap lamang. Ngunit, ng dahil sa sipag, tyaga, at galing,
umasenso ang kanilang buhay.
Sa kabila ng mga tagumpay na natamo ng
pambansang kamao, nanatili itong mapagpakumbaba at matulungin. Tulad na lang ng
mga donasyon nito para sa COVID-19 crisis na sadyang nakatulong ng malaki sa
mga mamayang Pilipino.
Samantala, sumailalim din ang senador
na magpasailalim sa self-quarantine. Sa kabutihang palad, negatibo ang lumabas
sa pagsusuri.