Manila,
Philippines – Sa pahayag ni Bayan Secretary-General Renato Reyes nitong
Biyernes, sinabi nya na ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine sa
buong Luzon ay katunayan lamang na hindi maayos ang pagresponde ng gobyerno sa
COVID-19 pandemic.
“Don't tell
us we are better off. We are in this difficult situation because the government
downplayed many of the red flags early on. Remember that time when a patient
from Greenhills with no travel history was infected with the virus, and [Health
Secretary Francisco} Duque said that's not local transmission because it's just
one person?” ito ang tanong ni Reyes.
“The
Philippines has had to resort to extreme quarantine measures precisely because
of the failure of the Duterte administration to impose travel restrictions, do
proper contact tracing, and recognize in a timely manner the local transmission
that had been ongoing in the country,” dagdag pa niya.
Gayon pa
man, nagpahayag naman si Duque na mababa ang infection rate ng COVID-19 sa
Pilipinas. Salamat sa mga hakbang na isinagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang dahilan
naman ng kung bakit pinalawig ang enhanced community quarantine ay upang
mabigyan ng oras ang pagsasagawa ng pagsusuri at para na rin makapagtatag ng
pasilidad para sa pasyente ng COVID-19.
Bukod pa dito,
nasabi rin ni DILG Secretary Eduardo Año na ang pagpapalawig ng ECQ sa buong
Luzon ay makakatulong sa pagpahupa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
“We all want
everything to go back to normal yet we cannot risk further transmissions or a
relapse. This extension is part of the effort of the national government to
flatten the curve of Covid-19 transmissions in the country kaya buo ang
pagsuporta ng DILG sa hakbang na ito ng ating Pangulo (so the DILG fully
supports this decision of the President),”pahayag ni Año.
Dagdag pa ni
Año na kung walang quarantine extension, magagaya lang ang Pilipinas sa Italy
kung saan tumaas ang kaso ng COVID-19 matapos tanggalin ang lockdown.