Isang
Filipino artist ang gumuhit ng larawan ng mga nasawing bayani na fronliners
bilang paggunita matapos ang pakikibaka ng mga ito sa coronavirus (COVID-19) ng
bansa.
Nagsabi si
Aurellio Castro III sa GMA News Online na sya ay naging emosyonal sa ginawang
sakripisyo ng mga health workers kaya nagdesisyon itong gumuhit ng larawwan.
"Naantig
ako sa sakripisyo kayat naisip kong gamitin ang aking skill sa pagdrawing para
makapagbigay ng pagkilala sa kanila," pahayag ni Castro.
"All
the 17 fallen frontliners nagawan ko ng portrait. Nakakalungkot na nadagdagan
pa sila. Kaya itutoloy ko ang pagguhit," pahayag nya sa kanyang Facebook
account kung saan andoon ang lahat ng larawan.
Photo on Facebook |
Ang mga nasalarawan na iginuhit ni Castro ay sina Dr. Greg Macasaet , Dr. Rose Pulido, Dr.
Israel Bactol, Dr. Raul Jara, Dr. Marcelo Jaochico, Dr. Fransisco Lukban, Dr.
Hector Alvarez, Dr. Racquel Seva, Dr. Dennis Ramon Tudtud, Dr. Helen Tudtud,
Dr. Leandro Resurreccion, Dr. Nicko Bautista, Dr. Dino Ezrah Halili, Dr. Henry
Fernandez, Dr. Sally Gatchalian, Nurse Arvin Pascual at Dr. Mary Grace Lim.
Sa mga
normal na araw, nag-bibisekleta si Castro sa Metro Manila para makaguhit at
makahanap ng inspirasyon, ngunit dahil sa naka quarantine ang Luzon ngayon,
sinubukan nitong tumingin sa ibang subject na maiguguhit.
"Nitong
ECQ ay hindi ko na nagawa iyon kaya humanap ako ng ibang pwedeng subject ko.
Nagumpisa ako sa pagguhit sa 'kin at sa mag-ina ko. Kasabay nun ang mga balita
tungkol sa mga fallen heroes sa frontlines," kwento ni Castro.
Nitong Miyerkules
lamang (April 8), mayroon nang 252 health workers sa bansa ang nahawaan ng
COVID-19 ayon sa Department of Health (DOH).