Limang kilo
ng bigas, dalawang lata ng sardinas, dalawang corned beef, dalawang lata ng
tuna – ito ang mga nakalista sa food packs na dapat makita ng residente ng
lungsod ng Caloocan na binigay ng gobyerno ng lungsod. Kung may kulang s amga
nakalistang ito, sabihan lamang si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan.
Nagpahayag
si Malapitan ng kanyang pagmamalasakit sa mga ulat na ang iilan sa mga food
packs mula sa lungsod ay nabuksan, nabawasan ang laman, at muling binalot sa
barangay.
Sa isang
phone interview, sinabi ni Malapitan sa Inquirer.net - “May mga kapitan daw na
ginagawang dalawa ang isang food pack”.
“Maaaring
malinis ang hangarin o hindi natin alam ang dahilan. Kung anuman ang dahilan,
ayoko ng ganoon. Kung ano ang ipinamimigay ng syudad, iyon ang dapat na
matatanggap ng mga tao,” sabi ni Malapitan.
Binantaan
din ni Malapitan ang mga barangay captain sa Caloocan City na maari silang
masuspende at makasohan kung nabigo silang ipamigay ang mga pagkaing tulong sa
mga residente na na-lock down.
Photo by: Inquirer.net |
Dagdag pa sa
kanyang pahayag, nakatanggap ang gobyerno ng siyudad ng maraming reklamo galing
sa iba’t-ibang nayon na hindi pa umano nakakatanggap ng relief packs.
“Ito ang
panahon ng pagkakaisa at tulungan kaya pakiusap ko sa mga kapitan ay gampanan
ang tungkulin na kanilang sinumpaan para sa kanilang mahihirap na nasasakupan
na nangangailangan ng agarang ayuda,” sabi pa ni Malapitan.
Pinahayag
din niya na nag release na nagpakawala na ang gobyerno ng lungsod ng daang
libong mga food packs para ipamigay sa barangay.
“Patuloy na
gumagawa ng mga paraan ang inyong lokal na pamahalaan para maihatid ang
kailangang tulong. Dito ko kinakailangan ang pakikiisa ng mga opisyales ng
barangay para walang maiwan sa mga Caloocaño,” sabi pa ni Malapitan.