Manila,
Philippines – Tinuligsa ng Malacañang ngayong Sabado ang nakakulong na senadora
na si Leila De Lima dahil sa pagdududa nito sa pahayag ni Pangulong Duterte na
paubos na ang pondo ng gobyerno sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19)
crisis. Pahayag ng Malacañang na namumula sa kamangmangan ang senadora.
“The
detained Senator De Lima is blabbering from ignorance,” sabi sa pahayag ng
spokesperson ng palasyo na si Salvador Panelo.
Si De Lima,
sabi naman ng senadora na nakapiit sa Philippine National Police (PNP)
Custodial Center sa loob ng Camp Crame sa Quezon City dahil sa drug charges, na
nakuha nya ang kopya ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang
staff.
Subalit sabi
ni Panelo na hindi nakinig si De Lima sa mensahe ng Pangulo.
“She should
read the transcript of his televised message.” Dagdag ni Panelo.
Naiulat ito
pagkatapos kwestyonin ng opposition senator ang pahayag ng Pangulo tungkol sa
nasabi noon na may sapat na pondo ang gobyerno para sa mga naapektohan ng
Luzon-wide enhanced community quarantine.
Ayon din
naman sa pahayag ng Pangulo nitong Miyerkules, may posibilidad umanong ibenta
ang pag-aari ng gobyerno upang makalikom ng maraming pondo para sa pagsugpo ng
COVID-19.
“Why is
Duterte hinting already of disposing of our assets? Exhausted na ba talaga ang
available funds (are the available funds really exhausted), and those that can
be reprogrammed within government?” tanong ni De Lima.
Ngunit sabi
ni Panelo na hindi umano nagpahayag ang Pangulo na ang pondo ay paubos na,
kundi ito ay hindi “INFINITE”.
“If she can
not help in the government’s efforts to fight COVID-19 she should at least
lockdown her mouth,” sabi ni Panelo bilang sagot kay De Lima.