Monday, April 6, 2020

Mga Pamilya sa Manila, Makakatanggap ng P1,000 Galing sa Crisis Fund - Mayor Isko Moreno



Manila, Philippines – Para mabasawasan ang hirap ng mga tao sa lungsod ng Manila sa enhaced community quarantine, inannonsyo ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nitong linggo ng gabi na ang gobyerno ng lungsod ay gumawa ng City Amelioration Crisis Assistance Fund kung saan 568,000 na pamilya ng lungsod ay mabibigyan ng P1,000.

Pinaliwanag ni Mayor Isko Moreno na sa kabila ng pagsisikap ng lungsod na matulongan ang mamayan dito, hindi nila nabigyan ang 568,000 na pamilya ng pagkain na makakatulong sa mga ito habang nasa gitna pa ang bansa sa COVID-19 crisis.



Ayon sa ulat, nasa 235,072 pa lang ang mga pamilyang nakatanggap ng food packages labing tatlong araw na ang nakalipas nang pinatupad ang quarantine.

Dagdag pa dito, para mapabilis ang pagbibigay ng tulong, ang gobyerno ng Manila ay nagpasa ng isang ordinansa at lumikha ng City Amelioration Crisis Assistance Fund na umabot sa halagang P591,000,000 na nasustentohan naman sa pamamagitan ng budget realignment.

Ayon pa kay Moreno, lahat ng 568,000 na pamilya ng lungsod ay makakatanggap ng P,1000 galing sa pondo at ang prayoridad nito ay ang mga pamilyang hindi pa nakakatanggap ng food package.



Pagatapos naman nito, ang mga pamilyang nakatanggap na ng tulong sa pagkain ang siya namang makakatanggap ng P1,000, samantalang ang mga pamilya nang naunang nakatanggap ng pera ay siya namang makaktanggap ng pagkain.

Dagdag pa ni Moreno, magsisimula umano ang pagbibigay ng pera sa April 7 sa Martes kung saan naman dadaan ito sa mga barangay. Makokompleto ang nasabing pamimigay sa April 9 sa Huwebes.
Para naman mapanatili ang kaayosan at mga salik sa social distancing, ang pagbibigay ng tulong na ito ay gagawin sa pamamagitan ng paghatid sa mga kabahayan (house to house).