Monday, April 6, 2020

Pangulong Rodrigo Duterte, Inutusan ang Navy na Gawing Ospital ang Presidential Yacht para sa mga Pasyente ng COVID-19





Manila, Philippines – Dinerektahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Navy nitong Biyernes ng gabi, April 3, na gawing pasilidad sa pagaasikaso ng mga pasyente ng COVID-19, ang presidential yacht na 'BRP Ang Pangulo'.

Tinukoy din ng Pangulo na ang bansa ay nakubkob ng health emergency crisis sa ika - labing siyam na araw ng isang buwang lockdown sa buong Luzon.

"Ang Philippine Navy, inalert ko sabi ko yung mga barko ninyo na magaganda, yung [Ang] Pangulo, yung barko ng Presidente ng Pilipinas, maganda 'yan," pahayag ng Pangulo.


"Sabi ko sa Navy, gawing ospital agad, pati [para] magtulong sila ng iba,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang Presidential Yacht na ‘BRP Ang Pangulo’ ay may haba na 77.33 metro at ito rin ay isang auxiliary command ship na nagsisilbing karugtong ng Malacañang na pwedeng maging opisina ng Pangulo kung ito ay kinakailangan sa kahit na anong oras. Pahayag pa ng Pangulo na hindi nya ito nagamit sa ganong layunin.

"Ang loob niyan parang hotel. Ako po sabihin ko sa inyo, hindi ako nagamit. Tiningnan ko 'yan umakyat ako minsan kasi may pinuntahan ako sa Bureau of Customs. Pero hindi ko sinakyan 'yan, kailan man 'yung yate ng presidente, hindi ako bagay diyan, pang-bangka lang ako," dagdag ng Pangulo.


Para sa kaalaman ng lahat, si Pangulong Rodrigo Duterte pa lamang ang gumawa na gamitin ito ng karaniwang Pilipino.

Bukod dito, may mga paguusap na rin ang gobyerno at iilang mga may-ari ng mga pribadong sasakyang pandagat na magtakda ng isang nakalutang na ospital para sa quarantine ng mga pinaghihinalaan at positibong pasyente sa COVID-19 ng bansa.

Samantala, muling nagpahayag ang Pangulo sa mga tao na iwasan ang pagtitipon-tipon at panatilihin ang social distancing para makaiwas sa impeksyon.

“Para maprotektahan ko ‘yung mga inosente, ‘yung ayaw mamatay. If you keep on converging, at kung saan-saan ka [pupunta], then you spread the [virus]... hangin e. Pag nag-ubo ka dito, [*coughs] ilang metro ‘yan e, dadalhin dun,” pahayag ng Pangulo.

Ayon pa sa Pangulo, para maiwasan ang pagkalat ng fake news o ang pag-iiba ng katotohanan, pipilitin nya ang sarili na magtalumpati sa nasyon, at kung maari, araw araw nya itong gagawin.

“Kailangan akong magsalita dahil maraming tanong ang ating mga kababayan. So I am constrained to talk to you every day, if possible, because there’s so many issues and questions that are being asked from us in government,” pahayag ng Pangulo.

“I do not have the duty to lie to you. Bakit ako magsinungaling? Wala akong obligasyon na magsinungaling sa inyo. Bakit ko papahirapan sarili ko? Just to lie to you to make you happy?”  dagdag pa ng Pangulo.

“I govern properly and right. If you’re happy, you smile. If you’re not, you criticize,” sabi ng Pangulo.