Isang Indian
restaurant sa Cainta, Rizal ang namimigay ng libreng pagkain sa mga dumadaan
dito sa gitna ng enhanced community quarantine.
Ayon sa
YouScooper na si Jirah Joy Padama, ibinahagi nya ang kanyang nakita habang siya
ay naglalakad sa Greenpark sa Cainta para maghanap ng pagkain nang makita nya
ang isang Indian na nakaupo sa labas ng Indian restaurant na merong sign.
Nakasulat dito – “all people free eating here”.
Ang Indian
na ito ay nagngangalanag Vijay at nag-aalok nag-alok ito kay Jirah at kanyang
mga kaibigan na kumain sa kanyang restaurant ng libre.
Ayon kay
Jirah, ang may-ari ng kainan ay nais mamigay ng pagkain sa mga taong dumadaan.
Kung
tatanongin ang Indian, ang dahilan kung bakit nagaalok ng libreng pagkain ay
dahil umano sa pinagdadaanan ng bansa sa gitna ng COVID-19. Sa Facebook post ng
GMA, nais lang makapagbigay ng “Good Vibes” ng Indian.