MANILA, Philippines, March 6, 2020 – Umangat na naman ang
rating ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong fourth quarter ng nakaraang taon
2019. Nai-ulat na nasiyahan ang publiko
sa kanyang mga ginawa ayon sa Social Weather Stations (SWSS).
Naabot ng administrastyon ni Pangulong Duterte ang net
satisfaction “EXCELLENT”, na nakakuha ng rate na +73. Umangat ng anim na puntos
simula noong Septyembre nag merong net satisfaction na “VERY GOOD” level na
binase sa isa natiowide poll na isinagawa noong Desyembre 8 hanggang 16.
Tumugma rin ito sa nakatala na mataas na record noong June 2019.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pag-suri ng ilang mga respondent.
Naitalang merong 1,200 na respondente ang nasuri at 81% ang nagsabing nasiyahan
sila sa performance ni Pangulong Duterte, samantalang 7% naman ang hindi
nasiyan. Ang natirang 12% naman ay walang pinapanigan.
Ang nasabing pagsusuri ay naging tanyag bilang “EXCELLENT”
hindi lamang sa Luzon, kundi pati na rin sa Visayas, at Mindanao.
Kung hihimayin, para naman sa “masa” o class D, ang
administrasyon ng Pangulo ay nagsimula sa “VERY GOOD” hanggang maging “EXCELLENT”,
gayon din naman ang sa class E. Samantala, sa class ABC naman, natitalang “VERY
GOOD” ang rating ng Pangulo galing sa “EXCELLENT”.
Ayon sa ulat, nakuha ng Pangulo ang puntos na “VERY GOOD” na
score. Sa labing-anim (16) na “performance subject”, pito (7) dito ang nakakuha
ng mataas na marka tulad ng pagtulong sa mahihirap, paglaban sa terorismo,
pagpalago ng masaganang ekonomiya, pakikipag-ayos sa mga rebeldeng Muslim, at
ang pag-protekta ng malayang pamamahayag.
Sa kanyang puntos naman na umabot sa rate na “GOOD”, naka hanay
naman dito ang relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa, paglaban sa katiwalian,
pakikipag-ayos sa mga komunistang rebelde, pagtatangol sa pagaari ng Pilipinas
sa WPS, at ang pag-laban sa korapsyon.
Sa rating naman na “MODERATE”, naisaad na ito ay dahil sa
magandang hakbang ng pamahalaan na walang magugutom na pamilya sa Pilipinas.
Sa pagsugpo naman ng inflation, umani ang gobyerno ng
pinakamaliit na “MODERATE” +12. Dahil ito umano sa mabagal na paglago ng mga
presyo ng bilihin nitong Pebrero sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong buwan.