Tuesday, March 3, 2020

VP Robredo, Pinayuhan ang Bagong Anti-Drug Czar



MANILA, Philippines – Naitalaga ang Anticrime advocate and Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chair na si Dante Jimenez, bilang anti-drug czar ng bansa ayon sa balita nito lamang Sabado. Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jimenez bilang cochair ng Inter Agency Committee on Anti-illegal Drugs, kung saan eto naman ang naging poste ni VP Leni Robredo nitong nakaraang taon lamang.



Sa ulat ngayong Martes, binigyan umano ni Robredo ng payo si Jimenez na isang-tabi muna ang politika.

“Sana iyong pagharap ng bagong responsibility, i-set aside iyong politika, kasi oras na politika iyong paandarin, wala tayong aasahan na kabutihan na mangyayari.” – Payo ni VP Leni Robredo kay Jimenez.

Dagdag pa ng Bise Presidente, dapat daw hindi makaligtaan na tutokan ang supply at ang rehabilitasyon ng mga nalulong sa droga sa kadahilanang marami na rin ang mga nagbago at ang mga handang tumulong.



“Pero iyong sa akin, sa pagtutok sa supply, sana hindi kalimutan lalo na iyong rehabilitation, dahil iyon ay marami nang advocates, marami nang grupo ang willing to help.” – Robredo.
Bukod dito, inaasahan din ng Bise na dapat naayon sa mga data ang magiging hakbang ni Jimenez.

Dagdag pa ni Robredo - “Maraming mga miyembro sa ICAD na very professional, marami iyong hindi naman politiko, na nagnanais lang ayusin iyong kampanya. Sana iyon iyong talents na ma-take advantage of, kasi sayang.”



Ayon pa sa ulat, tinutokan ng Bise ang estatistika ng war on drugs na tila nagkulang umano ito sa impormasyon. Ito daw umano ang magsisilbing gabay para labanan ang illegal na droga.

Noong nakaraang taon, tinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo bilang isang drug czar, subalit sinesante naman agad ito ng Pangulo pagkaraan ng 19 na araw. Ayon sa Malacañang, ang dahilan ng pagpapatalsik sa kanya sa pwesto ay ang pag-gamit nya sa kanyang posisyon para atakihin ang pamamaraan ng kasalukoyang administrasyon sa pagsugpo ng iligal na droga.