Monday, March 2, 2020

ALAMIN: 5 Senador, Maghahain ng Resulosyon Para Pahabain ang Prangkisa ng ABS-CBN!


MANILA, Philippines – Tinatayang may limang (5) senador ang maghahain ng bagong resulosyon na magbibigay ng direktiba sa National Telecommunications Commission o NTC, na payagan ang ABS-CBN na umere kahit na tapos na o wala nang bisa ang prangkisa nito  sa darating na Mayo. Pahayag ito ng isang mambabatas nito lamang Linggo.


Ayon kay Joel Villanueva, maghahain sila ng isang resulosyon na magbibigay ng awtoridad sa NTC para mabigyan ng probisyon ang ABS-CBN na ituloy ang kanilang operasyon kahit na wala ng bisa ang kanilang prangkisa.

Bukod dito, kasami rin sa resolusyon ang pag suporta para sa karagdagang panahon ng operasyon ng prangkisa, na aabot hanggang December 31, 2022. Dagdag pa aniya, maaapektohan umano ng pagtatapos ng prangkisa ang buhay ng 11,071 na manggagawa ng ABS-CBN kasama ang mga kani-kanilang pamilya kung hindi eto makakapag-operate.

“We will file a resolution to allow NTC to give ABS-CBN a provisional authority to operate pending the discussion of its franchise in the Congress. [We] will file a resolution supporting the extension of its franchise until December 31, 2022. The lives of 11,071 workers of ABS-CBN, not to mention their families, will be affected if the network will not be allowed to operate,” – Villanueva.

Sa ulat naman, ang mga nasabing senador na nasa likod ng paghahain ng resulosyon ay sina Sonny Angara, Nancy Binay, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, at Juan Miguel Zubiri. Ang mga senador na ito ay inaasahang maghahain ng resulosyon sa March 2 (Lunes). May tinatayang anim na araw na session bago ang dalawang buwan na break ng kongreso.

Dagdag pa sa ulat, ang limang senador na ito ay magdedesisyon pa lamang kung ang nasabing resulosyon ba ay magkasanib - maaring aprobahan ng kamara ng kongreso na maari namang isumite sa Pangulo para sa pag-apruba; O concurrent na resolusyon – resolusyong hindi na kailangan ng pag-aproba ng Pangulo.

Sa mga naunang ulat, si Senator Franklin Drilon ay naghain ng joint resolution at ng hiwalay na concurrent resolution para mapahaba ang prangkisa ng ABS-CBN. Samantalang si Ramon “Bong” Revilla naman ay naghain din ng bill para sa ekstensyon ng prankisa ng nasabing network.

Sa latest update, ang prangkisa ng ABS-CBN ay magtatapos sa May 4, 2020.