MANILA, Philippines – Ayon sa panayam kay Riza Hontivero nito
lamang Huwebes, pinahayag nya ang kanyang pagtutol sa inaporbahang
Anti-Terroris Act ng senado dahil umano ito ay maaring magamit para matudlaan
ang mga organisasyon na naghahayag ng saloobin o ang pagsalungat nila sa awtoridad
at may mga kapangyarihan.
Ayon kay Hontiveros, dapat umano gawin ng gobyerno ang lahat sa
abot ng kanilang kapangyarihan na protektahan ang mga tao sa terorismo
lalong-lalo na ang mga pinagmulan nito. Dagdag pa aniya, hindi daw natin dapat
isakripisyo o di kaya’y I-kompromiso ang ating kalayaang demokratiko sa ngalan
ng seguridad at kaligtasan.
"Government
should do everything in our power to protect our people from terrorism, lalo na
yung mga ugat niyan. At the same time, we must never sacrifice or be in danger
of sacrificing yung ating mga democratic freedoms and civil liberties in the name
of security and safety.” – ayon kay Hontiveros.
Sa kanyang panayam sa ANC, naunang sinabi ng
senadora na hindi sya sang-ayon sa naturang aksyon sa kadahilanang eto ay
magbibigay umano ng mas malakas na kapangyarihan sa awtoridad at pwedeng
magamit ng administrasyon na hindi tumitingin sa karapatang pantao.
"Mahirap
if we are giving a more powerful instrument that may now or in the future be
used by administrations na wala talagang pagtingin sa demokratikong karapatan
ng mamamayan," – Hontiveros.
Noong Miyerkules lamang nitong February 26, 2020,
nagbotohan ang senado para maaproba ang huling pagbasa ng Anti-Terror Act na
itinaguyod ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson. Ang Senate Bill No. 1083 naman ay
epektibong nagpapawalang bisa sa Human Secuity Act ng 2007.
Samantala, bukod kay Hontiveros ay sumalungat din
naman si Sen. Francis Pangilinan.
Dagdag pa aniya ni Hontiveros, kung ang nagpapatupad
daw ng batas ay hindi “mabait”, maaring magkaroon ng paglabag sa karapatang
pantao (human rights violation) tulad sa nangyari noong nakaraan.
"Alam natin na kapag hindi benevolent, kung 'di
despotic yung implementors, may mga human rights violations na maaring
mangyari, at nangyari noong nakaraan in that process of trying to prove the
guilt of a suspect," pahayag ni Hontiveros.