MANILA, Philippines – Sa sobrang dami na ng nagawang maganda
ng Mayor ng Manila na si Francisco “Isko” Moreno, halos hindi na ito mabilang
kung ating alalahanin. Ano pa ba’t ito ay lalo pang dumadami. Katulad na lang
ng pinaka-bagong report na kanyang ginawa na tiyak ikatutuwa ng nakararami.
Dito sa kanyang bagong panukala, malaking impact ito sa mga senior citizens at
sa mga taong may kapansanan.
Ayon sa ulat nito lamang Biyernes, inilunsad ang isang
ordinansa na nag-uutos sa mga fast-food chains sa Manila na magbigay ng
pansamantalang trabaho sa mga kwalipikadong senior citizens kabilang na rin ang
mga PWD (person with disability) na hindi lalagpas ng anim na buwan. Ito ang
Ordinance No. 8598 na tiyak makakatulong ng malaki sa mga kababayan nating
matanda na at may mga kapansanan.
Ayon pa sa karagdagang ulat,
heto ang nakasaad sa nasabing ordinansa - “Each branch of the Fast Food
Corporations under this Ordinance shall give employment to at least two Senior
Citizens and one PWD with a salary of at least the minimum wage provided under
the Labor Code and with a minimum four hours work for at least four days each
working week.”
Sa kabilang dako ng
ordinansang ito, pinagbabawalan naman ang mga kumpanya na magtalaga ng trabaho
sa mga senior citizens at PWDs sa mga delikadong gawain na malalagay sa
alanganin ang kanilang kalusogan. Dagdag pa dito, hindi rin sila pwedeng bigyan
ng trabaho na hindi ukol sa kapabilidad at kapasidad ng kanilang katawan at kakayahan.
Nai-ulat din na
ang gobyerno ng siyudad ng Manila ay lilikha ng Technical Working Group ay magsasagawa
at magbabalangkas kung ano ang magiging regulasyon at patakaran na pwedeng
ipatupad sa nasabing ordinansa.
Talaga namang
napakandang oportunidad ito para sa kanila, at nawa ay maging modelo ang
katulad ni Mayor Isko Moreno para pamarisan ng iba pang mga alkalde ng
ibat-ibang siyudad o probinsya sa buong Pilipinas.