Saturday, March 7, 2020

DOJ CHIEF GUEVARRA: NTC, Hindi Obligadong Sumunod sa Senado at House of Representatives



MANILA, Philippines – Nito lamang Biyernes, nagsalita si Justice Secretary Menardo Guevarra na ang sulat galing sa House of Representatives, at ang resolusyon ng Senado ay hindi maaring mahalintulad  sa isang direktang utos ng mambabatas na dapat sundin ng NTC. Ang NTC umano ay hindi nakatali o hindi nito layunin ang sumunod sa nasabing sulat na bigyan ng provisional authority ang higanteng network na ABS-CBN.  

Justice Secretary Menardo Guevarra - “The letter from the House of Representatives and the resolution of the Senate expressing their common sentiment that the NTC may issue a provisional authority to ABS CBN pending congressional action on the renewal of the company’s franchise cannot be construed as direct orders of the legislature that the NTC is legally compelled to obey.”

Ayon sa ulat, ang nasbaing sulat ng House of Representatives’ Committee on Legislative Franchise para kay NTC Chairman Gamaliel Cordoba, at ang resolusyon na inilabas ng Senado, ay para pahintulutang makapag patuloy ang ABS-CBN sa kanilang operasyon kahit na tapos na ang prangkisa nito sa May 4. Dagdag pa aniya, ksama sa probisyon ang pagpapatuloy ng ABS-CBN ng operasyon kahit ang pagbabago ng prangkisa nito ay nakabinbin pa.

Bago pa man ito, sinabi na ni Guevarra na ang mga umiiral na batas para sa prangkisa ay hindi magbibigay ng kalagayan ng operasyon ng isang radyo o telibisyon hanggat hindi naaksyonan ng Kongreso ang mga nakabinbin na panukalang batas para sa pagpapabago ng prangkisa nito.
“Here we are talking about a vacuum that arises when a franchise expires and the Congress has yet to act on the franchise renewal bill,” Dagdag pa ni Guevarra.

Tatalakayin pa ng House of Representatives ang prangkisa ng ABS-CBN ngayong March 10 na kaparehas naman ng araw kung saan tatalakayin din ng Korte Suprema ang kasong quo warranto na inihain ni Solicitor General Jose Calida pati na rin ang kanyan agarang mosyon para sa gag order.