Monday, March 9, 2020

United States Navy, Maaring Nadismaya sa Pagkalas ng Manila sa VFA




MANILA, Philippines – Maaaring nadismaya ang United States Navy sa ginawang hakbang ng Manila na tapusin ang nasabing VFA. Samantala, nasabing pinahahalagahan naman umano ng Estados Unidos ang pagiging magkaibigan nila sa bansang Pilipinas ayon sa sinabi ng kumander ng US Pacific Fleet nito lamang Biyernes.

Ayon kay Admiral John Aquilino sa isang panayam ng local at ng foreign media sa Da Nang, Vietnam, magpapatuloy pa rin ang operasyon ng mga Amerikanong sundalo kasama ang Philippine Navy kahit wala na ang VFA.

“It’s a little disappointing that… at this point we value our alliance with the Philippines. We continue to operate together with the Philippine Navy and we’ll see where this current narrative goes.” – pahayag ni Aquilino.

Ayon sa ulat, nasabi ito ni  Aquilino ng sinagot nya ang mga katanungan ukol sa pagkakaibigan ng Pilipinas at US kaukolan sa pagtatapos ng VFA sa kalagitnaan ng kasalukuyang taon.
Dagdag pa ni Aquilino, ang pag pagbawi ng VFA ay isang isyung political na napapaloob sa larangan ng departamento ng estado.

Pahayag pa ni Aquilino - “Let me just say that I won’t comment on any operations that the US Navy will do. We are executing normal events with our friends from the Philippines.”

Naitanong din sa panayam kung bukas nga ba ang US Navy para gawin ang mga operasyon tulad ng joint naval maneuvers kasama ang Vietnam Navy sa South China Sea. Sagot naman naman ni Aquilino na maari silang maglayag at lumipad kung saan man mapapahintulotan sila ng international law.

Ayon naman sa sagot nya tungkol sa katanongan kung ang pagkawala ba ng VFA sa Pilipinas ay matutulak sa kanila na ituon ang pansin sa ibang Southeast Asian navies, sabi niya, nasa posisyon naman umano ng navy na hindi mawawala ang relasyon sa Pilipinas.

“We don’t believe that relationship has been lost. We work with all of the nations throughout the region to ensure a free and open Indo-Pacific.” – Aquilino.

Ayon naman sa pagbisita ni Aquilino sa Da Nang ito ang naging pahayag niya - “Our commitment to each other (US and Vietnam), including this week’s visits, will help ensure a stable, predictable, and durable relationship – again, based on mutual interests, values and trust.”