MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na
bibisitahin niya ang bansang Kuwait pagkatapos ng pag-aresto sa among’ Kuwaiti
ng napaslang na Filipina domestic worker na si Jeanalyn Villavende.
Pahayag naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III noong January
2, Huwebes, na pinaslang di umano si Jeanalyn ng asawa ng kanyang amo at wala
na itong buhay ng dinala sa hospital.
Sa panayam kay Bello sa CNN Philippines, ito pa ang kanyang
dagdag na pahayag - “Meron akong
partial report from out labor attaché na ‘yung ating kababayan na si Jeanalyn
[Villavende] ay talagang bugbog sarado. Black and blue daw. ‘Yun ang report ng
mga nurses na nag-attend sa kanya.”
Sa mga panahong yaon, kasalokuyang
nakakulong na rin ang nasabing babaeng’ amo. Dagdag pa ni Bello na nakausap rin
nya ang pamilya ni Villavende.
Ayon sa ulat, tumawag ang pamilya ni
Villavende sa domestic worker noong December 13, subalit ang babaeng amo nito
ang sumagot at nagsabing “busy” ang Filipina worker.
Nabangit din ni Bello na nagrereklamo na si Villavende sa kanyang
local recruitment agency ng pagmamaltrato ng kanyang amo at ang kakulangan ng
pagbibigay ng sahod.
Samantala, para naman sa Pangulo, maayos naman ang naging hustisya
sa nasabing insidente at kung talagang makakasunod sila sa kanilang batas, nais
ng Pangulo na hingin ang pinaka mataas na uri nito.
“To me, that is good justice. And
if they can follow through in accordance with their laws, I will ask for the
maximum.” – Pangulong Duterte.
“I want their executioner to cut
off the heads of those who are responsible for the death of the Filipina.”-
dagdag pa ng Pangulo.
Pinatawan naman ng Pilipinas ng
total deployment ban ang Kuwait noong February 2018 matapos matagpuan ng mga
awtoridad ang katawan ng isa ring’ domestic helper na si Joanna Demafelis sa
loob ng freezer at nai-ulat na pinaslang din ng kanyang amo.
Ang “ban” na ito ay inalis tatlong
buwan matapos na magkaroon ng pirmahan ang Maynila at Kuwait para sa proteksyon
ng mga OFW bilang kasunduan.