MANILA, Philippines – Sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte nito
lamang Lunes sa publiko na sapat ang supply ng tubig sa pagsugpo ng gobyerno sa
pagkalat ng nakamamatay na coronavirus disease o ang COVID-19.
“2020. Meron ‘yan. Sigurado ako,” sabi
ni Pangulong Duterte sa mga reporters sa Malacañang.
Samantalang hinihikayat naman ng Department of Health ang mga tao
na alamin ang mga salik para manatiling malinis at maging ligtas ang mamayang
Pilipino laban sa nasabing epidemya. Matatandaang laging nagsasabi ang DOH na
palagiin ang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon. Nai-payo rin ng
nasabing departamento ng gobyerno ang pag-obserba at ang tamang etiketa sa pag-ubo
lalong lalo na sa matataong lugar.
Bukod pa dito, nabangit din ni Pangulong Duterte sa press
conference tungkol sa pag-gawa ng Kaliwa Dam sa probinsya ng Rizal at Quezon.
Naiulat na merong tinatayang nasa 600 million litro kada araw ang maibibigay
nito sa Metro Manila. Aabutin naman ng dalawa hanggang tatlong taon ang
pag-gawa nito.