Wednesday, March 11, 2020

Banat ni Mocha kay Ogie Diaz - "Yan ang kinabubuhay niya, ang gumawa ng TSISMIS"




MANILA, Philippines – Kumakailan lang, nagbitaw ng mga katagang hindi kaaya-aya ang komedyanteng si Ogie Diaz kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Esther Margaux “Mocha” Uson. Bagamat kung ating susuriin, ang mga salitang binitiwan ng komedyante ay walang katuturan at pawang opinyon nya lamang. Nilinaw pa nya ito na isa raw itong “constructive criticism” lamang. Ang nasabing mga patutsada ni Ogie kay Mocha ay naibalita noong March 7 nito lamang taon.


‘Wag kang sumipsip, kahit ang pangulo ‘di bibilib sayo’ - Ito ang naging pahayag ni Ogie kay Mocha na naging usap-usapan na rin sa social media.

Ngunit, nito lamang March 11, nai-ulat na rumesbak si Mocha sa mga patutsada ni Ogie sa kadahilanang nakarating na sa kanya ang balitang tinuligsa siya ng komedyante.


“Marami po ang nagme message sa akin patungkol sa banat ni OGIE DIAZ sa akin. Hayaan niyo na po siya. Part ng trabaho niya ang gumawa ng tsismis, yan ang kinabubuhay niya, ang gumawa ng TSISMIS, kaya naiintindihan ko po siya.” – Mocha.

“Tuloy lang tayo sa trabaho natin. Kung gusto niya malaman ginagawa ng OWWA para sa OFW pumunta nalang siya sa opisina. Hindi perpekto ako o ang OWWA pero mas marami pong natutulungan ang OWWA ngayon kesa sa panahon ng amo niyang si PNOY. Yun sigurado po ako. Salamat po.” – Dagdag pa OWWA Deputy Administrator.



Sa nangyaring palitan ng mga hinanaing, hindi rin maiwasan na magkaroon ng batohan ng mga salita lalong lalo na pagdating sa social media. Ano pa bat samo’t-samong lait ang lumabas sa Facebook account ni Mocha galing sa mga tagasunod nito. Ito ang mga ilan sa kanila:

“Huwag mo na lang siyang pansinin DA Mocha, ipagpatuloy mo lamang gampanan ang trabahong inatas sa ‘yo ng OWWA, maka-karma rin siya in God’s given time! Tuloy mo ang laban para sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.”

“Wag mo intindihin si Ogie Diaz mukha nga nya d nya magawang ayusin! Pasencya na sa nasabi ko kakainis kaasi.”

“Yan ang Bayot kung Tumira Patagilid kase my Tali ang Bunganga cguro ito na ang Oras ni Uge Diaz na Magpahinga sa Pagpapatawa kase di naman Nakakatawa mga pinagsasabi NG OGAG NA ITO.”

“Tama!! Madam Mocha wag mo ng patulan hayaan mong ang mga followers mo ang bumanat sa kanya napanood ko nga yong video ng dalawang unggoy na yon nag comments ako doon. Dyan sila nabubuhay ang magtsismisan at magpatawa ng wala sa ayos.”