Manila,
Philippines – Nagpahayag si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na
mananatili si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kahit na matatapos na ang
kanyang 14-araw na quarantine ngayong mahal na araw.
"Ang
atin pong Presidente has decided to cancel his trip to Davao yesterday, sana po
ay pupunta siya doon para makasama po sana niya ang pamilya niya," sabi ni
Panelo sa isang online briefing.
Dagdag pa ni
Panelo na planong umuwi ng Pangulo sa kanyang tahanan para sa kaarawan ng
kanyang anak na babae na si Kitty Duterte.
Hindi naman
tinukoy ni Panelo ang dahilang kung bakit nagbago ang isip ng Pangulo, bagamat,
sinabi ng spokesperson na magpapatuloy ang trabaho ng Pangulong Duterte sa
Malacañang sa mahal na araw.
"Kaya
si Presidente po ay mananatili dito sa Bahay Pagbabago, itutuloy niya po ang
kanyang trabaho bilang Pangulo ng bansa habang siya po ay nasa loob ng kanyang
official na residence at tuloy tuloy po ang kanyang pagmonitor sa mga kaganapan
dito sa ating pakikibaka sa coronavirus," – Panelo.
.
"Dito
lang po siya sa Maynila upang madaliang mabigyan ng katugunan ang anumang uri
ng suliranin na ipapaabot sa kanya," – dagdag ni Panelo.
Noong Marso
27, inanonsyo ng Palasyo na si Pangulong Rodrigo Duterte ay magpapasalalim sa
self-quarantine dahil sa payo ng kanyang doktor kasama ang Presidential
Security Group matapos makumpirmang positibo sa COVID-19 ang ilang mga
opisyales ng gobyerno. Doon na rin sa Malacañang nagdiwang ang Pangulo ng
kanyang ika 75 na kaarawan.