Manila,
Philippines – Magbibigay ng donasyon ang kilalang Google Search engine ng
advertisement credit sa Pilipinas na may halagang halos $5 million upang
matulongan ang mga ahensya na may koneksyon sa pag responde at nagbibigay ng
tulong sa mga naapektohan ng COVID-19.
“Ang Google
po ay nagbigay ng up to $5 million in search ad credits,” ito ang pahayag ng
Google Philippines chief of Government Affairs at Public Policy na si Yves
Gonzalez noong Martes sa isang public briefing ng Laging Handa.
“Magagamit
po ‘yan ng Philippine government agencies para mailabas ang critical na
impormasyon tungkol sa COVID-19 pati na rin sa economic recovery measures,”
dagdag pa ni Gonzalez.
Pahayag pa
ng opisyales ng Google Philippines na
ang kompanya para sa Department of Health (DOH) at ng Presidential
Communications Operations Office (PCOO) ay kasalukoyang tumatakbo na at
nakikita sa search engine.
“In the
coming weeks magsisimula na ang mga campaign ng DOLE (Department of Labor and
Employment), DTI (Department of Trade and Industry), DICT (Department of
Information and Communications Technology), pati na rin ang NEDA (National
Economic and Development Authority),” ayon pa kay Gonzalez.