Wednesday, April 8, 2020

Pangulong Rodrigo Duterte, Tinuligsa ng Grupong Kinabibilangan ni Chel Diokno



Manila, Philippines – Tinuligsa si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang grupo ng abogado hingil sa mga pahayag ng Pangulo kay Atty. Chel Diokno. Dahil dito, iginiit ng abogado na may kalayaan ang tao na punain ang gobyerno at mga polisiya nito.

Pinaalalahanan naman ng Concerned Lawyers for Civil Liberties (CLCL) ang publiko noong Martes (April 7) na ang karapatang sibil tulad ng kalayaan sa pagpapahayag, ay mananatili kahit na ang bansa ay nasa ilalim ng national emergency. Ang CLCL ay isang grupo kung saan miyembro si Diokno.

“The freedom of expression and other constitutional rights are not suspended during a state of emergency. People have the right to protest if they do not receive the promised aid to them. In the same vein, they also have the right to criticize government for its failure to respond effectively to the COVID-19 crisis.” – Pahayag ng CLCL.

“After all, the failure of the government to respond will most heavily impact its citizens, especially the poor. It is, therefore, the right of anyone to ensure that the government delivers on its promised aid and provides efficient and effective actions to stem the increase of COVID-19 cases,” dagdag pa ng grupo.

Ayon pa sa CLCL, ang solusyon ay dapat umanong ibase ng gobyerno sa hinaing ng mga tao.

“In fact, the government must view these criticisms as feedback mechanisms so that it can effectively perform its job of responding to the threat of COVID-19,” pahayag ng CLCL.

Samantal, sa talumpati ng Pangulo noong Biyernes (April 3), nabanggit niya ang isa sa mga oposisyon na tumutuligsa sa kanyang responde sa COVID-19.

“Alam mo Chel Diokno, kayong opposition na dilaw, wag niyong ipilit ang pagkatao ninyo... Kayo nagpatakbo ng black propaganda kasi malapit na ang eleksyon,” sabi ng Pangulo.

“Sabihin ko ngayon sa taong Pilipino, kung ayan ang mga taong ipalit ninyo sa susunod na election, torpe talaga ang Pilipino.” – dagdag pa ng Pangulo.

Sa karagdagang ulat naman, ibinunyag ni Diokno na ang isa sa mga kliyente nuya ay nabigyan ng subpoena dahil sa umanong pagkakalat ng “fake news”, ngunit sinabi niya na ang kanyang kliyente ay nagpapahayag lamang ng kanyang opinyon tungkol sa polisiya ng gobyerno at pananagutan.